Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay naglabas ng pahayag si Donnalyn Bartolome kaugnay sa patutsada sa kanya ng vlogger na si Jose Hallorina

- Ani Donnalyn, hindi agad siya nakapagsalita kaugnay sa isyu dahil ayaw niyang magmukhang nagbibilang siya ng kanyang ibinigay sa kanyang Mama Josie

- Nilinaw din ni Donnalyn na binigay niya sa kanyang Mama Josie ang lahat ng hiniling nito sa kanya

- Kahit ang pagpapa-cremate sa yumaong lola ay siya din umano ang sumagot at inalmahan niya ang pagpapalabas ni Hallorina ng panayam nito sa kanyang lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ni Donnalyn na ilabas ang kanyang panig kaugnay sa isyu nila ni Jose Hallorina. Aniya, hindi siya kaagad nagsalita dahil naisip niyang baka magmukhang nagbibilang siya ng kanyang ibinigay sa kanyang Mama Josie.

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Aniya, nasaktan umano siya nang marinig na minaliit ang kanyang binibigay noon na 2,000 dahil nag-uumpisa pa lamang umano siya noon sa showbiz at bukod sa pagpapaaral niya sa kanyang sarili ay marami din siyang pinakakagastusan.

Read also

Mahal Tesorero, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kanyang yumaong ama

Dagdag pa ni Donna, sana ay hindi na pinalabas ni Jose ang nasabing panayam.

Katwiran niya, kung kaya niyang tumulong sa ibang tao ano pa kaya sa kanyang kamag-anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiniling niya rin na sana ay patahimikin na ang yumaong lola niya.

If I can help others, what more a relative.. It doesn't make sense. Matalino ang mga tao, lalabas din ang totoo. Kahit ako, yung away away ng matatanda sa pamilya, ngayon ko lang din nalalaman cause I didn't grow up here, ngayon kahit tapos na, damay parin ako dahil sa panghihimasok mo. Tama na pang-gagamit mo saakin at sa patay na, patahimikin mo na siya. SET HER FREE.. let her soul rest in peace.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Donnalyn Bartolome, inilabas ang recording ng pag-uusap nila ni Mama Josie nya

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate