Donnalyn Bartolome, inilabas ang recording ng pag-uusap nila ni Mama Josie nya
- Sinigurado ni Donnalyn Bartolome na na-record niya umano ang kanilang pag-uusap noong nagkaharap sila nina Nanay Josie dahil na-trauma daw siya
- Naisip niyang baka iba na naman ang ipalabas kaya minabuti niyang i-record ang kanilang pag-uusap
- Kabilang sa kanyang ibinahagi ay ang pag-uusap nila ng kanyang Mama Josie kung saan sinabi niyang siya mismo ang lumapit sa matanda upang sabihing bukas siya sa pagtulong
- Kabilang din ang kanyang mama sa narinig na nagsasalita sa video kung saan nabanggit niya ang kanyang pagtulong sa iba pa nilang kamag-anak bilang patunay na tumutulong nga sila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kasabay ng kanyang mahabang pahayag kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya, ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang ilang voice recordings.
Ito ay naganap umano noong nagkaharap sila matapos ang unang paglabas ng video ni Jose Hallorina kung saan nagkaroon sila ng kasunduan.
Ani Donnalyn, minabuti niyang i-record ang kanilang pag-uusap dahil na-trauma umano siya sa mga nangyari. Aniya, naisip niyang baka iba na naman ang lumabas kaya ini-record niya ang kanilang pag-uusap.
Voice messages because not everything said is the truth, natrauma ako kaya nirecord ko na kasi baka iba nanaman lumabas We put a bandaid and we are healing from this hurt we didn’t have to go through. But this guy will not stop until he hurts someone who has never done anything wrong to him or Mama Josie. I never did anything to you to cause this much harm.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber, at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.
Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.
Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh