Kisses Delavin, may pa-sample ng kanyang pagrampa para sa MUP 2021

Kisses Delavin, may pa-sample ng kanyang pagrampa para sa MUP 2021

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbahagi ang aktres na si Kisses Delavin ng isang post sa Instagram matapos i-anunsiyo ng Miss Universe Philippines ang mga kandidatang kasali sa pageant

- Isang pasilip ng kanyang pagrampa ang kanyang pinakita sa kanyang post

- Ibinahagi niya rin ang ilang update tungkol sa kanya kabilang na ang tungkol sa nakatakdang MUP 2021 journey niya

- Hindi kinaligtaang pasalamatan ni Kisses ang lahat ng mga pageant fans na nagpakita ng suporta sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang araw na mag-trending ang kanyang pangalan sa social media, isang mensahe ang ibinahagi ni Kisses Delavin para sa kanyang mga tagahanga at mga pageant fans na mainit ang pagsuporta sa kanya.

Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!

Read also

Rabiya Mateo, ibinahaging pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang punerarya

Kisses Delavin, ibinida ang pagrampa matapos i-anunsiyo ang mga kandidata sa MUP 2021
Kisses Delavin (@kissesdelavin)
Source: Instagram

Ilang araw ding nag-trending ang pangalan ng aktres matapos ang announcement mula sa MUP na sarado na ang pasahan ng mga application para sa MUP 2021.

Sa kanyang ibinahaging life update, ibinahagi niyang masaya siyang muli niyang ma-eenjoy ang mga simpleng kaligayahan niya sa buhay kagaya na lamang ng pagsusuot ng heels at magagarang damit sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines.

Isang pasilip ng kanyang pagrampa ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi niya na nagkaroon din siyang tatlong mga alagang tuta na kanyang pinangalanang sina Coffee, Sugar at Cookie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kisses Delavin ay isang aktres, product endorser, commercial model at beauty queen. Una siyang nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother Lucky 7 edition kung saan tinanghal siya bilang Second Big Placer.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Matatandaang agad na nag-trending si Kisses nitong mga nakaraang araw. Ilang taon na ring inuudyukan si Kisses ng kanyang mga fans na sumali siya sa mga national pageant lalo at bago pa man siya pumasok sa showbiz, marami na siyang nasalihang mga pageant.

Bukod kay Kisses, kasama din si Maureen Wroblewitz sa mga kasali sa Miss Universe Philippines 2021.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel