Kisses Delavin, trending sa Twitter dahil sa haka-hakang sasali siya sa MUP 2021

Kisses Delavin, trending sa Twitter dahil sa haka-hakang sasali siya sa MUP 2021

- Bilang isang dating lumalaban sa mga beauty contests at nanalo ng ilang title sa mga pageant na kanyang sinalihan, hindi kataka-taka na marami ang nag-uudyok kay Kisses Delavin na sumali sa Miss Universe Philippines 2021

- Agad na nag-trending ang pangalan niya sa Twitter dahil sa maugong na balitang nagpasa siya ng application para sa prestihiyosong pageant

- Gayunpaman, wala pang pormal na anunsiyo o pahayag mula sa kampo ng aktres kaugnay sa lumabas na balita

- Si Kisses ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7 Edition

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging matunog ang pangalan ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin bilang isa sa mga sasali sa Miss Universe Philippines 2021 matapos nga inanunsiyo ang pagtanggap ng mga application para sa interesadong sumali.

Read also

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

Kisses Delavin, trending sa Twitter dahil sa balitang sasali siya sa MUP 2021
Kisses Delavin (@kissesdelavin)
Source: Instagram

Ilang taon na ring inuudyukan ng mga tagahanga niya si Kisses na sumali sa mga national beauty pageants kagaya ng MUP 2021.

Agad na nag-trending ang kanyang pangalan matapos lumabas ang balitang kabilang siya sa mga nagpasa ng application para sa MUP ngayong taon.

Gayunpaman, wala pa ring pormal na anunsiyo o pahayag si Kisses kaugnay sa lumabas na balitang ito.

Bago paman siya pumasok sa showbiz, ilang beauty pageant na rin ang sinalihan niya kung saan naiuwi niya ang korona.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kisses Delavin ay isang Filipino actress, recording artist, beauty queen ay product endorser. Nakilala siya bilang isa sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7 edition kung saan tinanghal siya bilang Second Big Placer.

Matapos nga siyang lumipat sa GMA-7, napabalita noon na magiging bahagi ng isang teleserye si Kisses. Taong 2020 nang mapabilang siya sa isa sa pinakamagagandang babae sa Pilipinas.

Read also

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel