Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

- Kinumusta ng programang 'Tunay na Buhay' sa GMA ang dating teen star na si Kim Delos Santos

- Taong 2004 nang magdesisyong manatili na sa Texas, USA si Kim kung saan isa na siyang dialysis nurse

- Nilarawan niya bilang 'Fantasy Island' ang showbiz na sa tuwing binabalikan niya ang mga larawan, tila napapaisip kung siya nga ba ay talagang nag-artista

- Ngayon, masaya ang buhay ni Kim kahit pa walang nagpapatibok sa puso niya sa edad na 39

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naitampok ang dating teen star na si Kim delos Santos sa programang 'Tunay na Buhay' ng GMA.

Nalaman ng KAMI na nasa Amerika pa rin si Kim mula nang magpakalayo ito sa bansa noong 2004 dahil umano sa hiwalayan nila ng dating mister at ka-love team sa showbiz na si Dino Guevarra.

Read also

Kisses Delavin, trending sa Twitter dahil sa haka-hakang sasali siya sa MUP 2021

Kasalukuyan na isang dialysis nurse si Kim sa isang ospital sa Texas, USA. Malayong-malayo ang buhay niya ngayon kumpara sa showbiz na iniwan niya rito sa Pilipinas.

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika
Kim Delos Santos (Photo credit: @kimnichole727)
Source: Instagram

Gayunpaman, nilarawan niya bilang 'Fantasy Island' ang pag-aartista. Aminado siya na minsan napapatingin na lamang siya sa mga dati niyang larawan at napapaisip kung siya nga ba ito lalo na noong kasikatan niya sa industriya ng showbiz.

At nang pinag-sample siya ni Pia Arcangel nang ilang mga eksena, masasabing nasa puso pa rin talaga ni Kim ang pag-aartista.

Sa ngayon, nag-aaral din si Kim upang maging isang psychiatric nurse lalo na at minsan nakaranas din umano siya ng depresyon na naging sanhi ng kanyang pagdagdag ng timbang.

Subalit ngayon, wala rin mang pag-ibig na nagpapatibok ng kanyang puso, masasabi ni Kim na masaya sa kung anong buhay mayroon siya sa Amerika.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

Si Kim Delos Santos ay dating aktres sa bansa na nakilala sa mga programa niya sa GMA tulad ng “Anna Karenina”, “T.G.I.S.”, at “Ikaw Lamang”.

Kamakailan ay bumisita si Kim sa studio ng Eat Bulaga upang makilala si Maine Mendoza.

Inamin kasi ni Maine na fan siya ni Kim, habang si Kim naman ikinuwento ang pagiging fan ng phenomenal star.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel