Anna Karenina star Kim Delos Santos, dinayo si Maine Mendoza sa Eat Bulaga

Anna Karenina star Kim Delos Santos, dinayo si Maine Mendoza sa Eat Bulaga

- Inamin ng dating aktres na si Kim Delos Santos na fan siya ni Phenomenal Star Maine Mendoza at dati nitong ka-love team na si Alden Richards

- Ayon kay Kim ay talagang tinutukan niya ang dalawa sa segment ng mga ito sa Eat Bulaga noon

- Kwento pa nito, pinuntahan pa niya si Maine sa studio ng Eat Bulaga noong 2017

- At sa tulong nang dating kasamahan sa trabaho at kapwa-aktres na si Sunshine Dizon ay na-meet niya in person ang hinahangaang artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pag-aalinlangang ibinahagi ng Anna Karenina star na si Kim Delos Santos na fan na fan siya ng tinaguriang "Phenomenal Star" na si Maine Mendoza.

Sa isang online interview kay Kim ng GMA Artist Center, inamin nito na tinutukan niya ang tambalan nina Maine at ng dati nitong ka-love team na si Alden Richards sa isang segment ng Eat Bulaga noon at inabangan ang "Tamang Panahon".

Read also

Jericho Rosales, ibinahagi ang video ng asawang si Kim Jones

Nagawa pa nga raw niyang gumawa ng Twitter account para lang sa dalawa kasama ang kanyang mga kasama sa trabaho.

Anna Karenina star Kim Delos Santos, dinayo si Maine Mendoza sa Eat Bulaga
Photo: Screen grab from GMA Artist Center
Source: Facebook

Kwento pa nga ng dating T.G.I.S actress, pinuntahan pa niya sa studio ng Eat Bulaga si Maine Mendoza.

Pero dahil daw sa protocols ay hindi siya nakapasok agad sa studio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mabuti na lamang daw at naroon din ang aktres at dating kasama nito sa Anna Karenina na si Sunshine Dizon, na siya raw tumulong sa kanya upang makapasok.

Sa isang larawan na ibinahagi nito ay makikita pang kasama ni Kim si Sunshine at ang hinahangaang si Maine.

Mahigit isang dekada na nang magpasya si Kim na bumalik sa America kung saan siya isinilang.

Isa nang nurse si Kim doon at nakabili na rin siya ng sarili niyang bahay. Kasama niya roon ang kanyang ina at kapatid na babae. Kasama ni Kim sa US ang kanyang immediate family.

Read also

Vice Ganda, naluha nang pasalamatan ng TnT contestant na ama pala ng 3 niyang scholar

Happy at contended daw si Kim sa kanyang buhay ngayon pero nais pa rin daw niyang bumalik sa Pilipinas kung saan siya nakilala at hinangaan ng marami.

Ka-batch ni Kim sina Dingdong Dantes, Antonette Taus, Sunshine Dizon, Polo Ravales at ang ex-husband nito na si Dino Guevarra.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang talagang nahumaling at nag-abang sa tambalang Maine 'Yaya Dub' Mendoza at Alden Richards na tinaguriang "Aldub". Produkto ito ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Kamakailan lang, nasangkot ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa isang gusot kung saan sangkot din ang mga fans ng dating love team.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Read also

Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

Source: Kami.com.ph

Online view pixel