Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

- Naibahagi ni Jennica Garcia ang tungkol sa kung paano nila natagpuan ang isang maliit na ibon sa sapatos ng asawang si Alwyn Uytingco

- Aniya, hiniram ni Alwyn ang mga anak at nang ibalik na sa kanya ang mga bata, isang maliit na ibon ang kanilang nakita

- Hinintay umano nila na baka may iba pang pumuntang ibon dahil sa tingin niya ay sisiw pa ito

- Para sa ilang mga netizens, tila isang sign umano ng bagong simula ang pagkakahanap nila ng sisiw na ibon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mga kontrobersiya kaugnay sa kanilang paghihiwalay, hindi itinago ni Jennica Garcia ang pagkikita ng kanyang mga anak at ng tatay nilang si Alwyn Uytingco.

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa paghiram ni Alwyn sa mga anak nila
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay naikwento ni Jennica na nang isauli ni Alwyn ang mga bata sa kanya, nakakita sila ng maliit na ibon sa sapatos nito.

Read also

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo

Hindi naman umano nila pwedeng iwan iyon dahil maraming mga pusa sa lugar kung saan nila iyon natagpuan.

Kaya naman minabuti ni Jennica na humingi ng mga mungkahi kaugnay sa pag-aalaga ng nasabing ibon.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na ibahagi ang kanilang opinyon kaugnay sa nangyari. Para sa ilan sa kanila, tila sign umano ito ng bagong simula para sa mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Read also

Kim Delos Santos, ipinasilip ang buhay bilang isang dialysis nurse sa Amerika

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel