Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo

- Sa unang pagkakataon ay namataang magkasama sina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Bukod sa picture kung saan makikita silang magkasama, may lumabas ding video kung saan makikita silang dalawa

- Kuha ang mga ito sa ginanap na baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo na kasalukuyang buntis sa kanyang panganay na anak

- Si Dominic na pamangkin ni Beth ay napapabalitang kasalukuyang kareslayon ni Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinakiligan ng mga tagahanga at tagasuporta nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang mga pictures at video na naibahagi sa social media kung saan magkasama sila.

Simula nang lumabas ang balitang magkasama silang bumiyahe papuntang America, naging maugong na ang balita lalo at napagtagpi-tagpi ng netizens ang tila pagkakapareho sa mga pictures nila sa social media.

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Sa ilang social media posts ay namataang ang dalawa sa baby shower ng dating aktres at tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo.

Read also

Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan niya dahil sa isang game

Makikita ang dalawa sa isang group picture kung saan magkatabi sila. Mayroon ding video kung saan makikita si Dominic na nakikisali sa laro habang si Bea ay nanonood at nakitawa.

Matatandaang naging usap-usapan ang makahulugang sagutan ng dalawa sa social media sa pamamagitan ng kanilang mga komento sa Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Read also

Jennica Garcia, ikinuwento ang tungkol sa ibong nakita nila sa sapatos ni Alwyn

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel