Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan niya dahil sa isang game

Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan niya dahil sa isang game

- Muling nagkasama ang magkakaibigang Aiko Melendez, Gelli de Bellen at Carmina Villaroel sa pinakabagong video na ibinahagi ni Aiko sa kanyang YouTube channel

- Isang game ang kanilang nilaro kung saan gamit ang isang digital na roleta ay mamimili kung sino sa kanilang tatlo ang bubunot para sa gagawing dare

- Isa sa nabunot na dare ni Aiko ay ang mag-picture ng kanyang talampakan at gawin itong profile picture

- Hindi naman ito inatrasan ng aktres at kinagiliwan ng netizens ang pagiging game nilang tatlo sa mga nabubunot nilang dare

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang panibagong video na ibinahagi ni Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel kung saan muli niyang nakasama ang malalapit na kaibigang sina Gelli de Bellen at Carmina Villaroel.

Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan nya dahil sa isang game
Aiko Melendez (aikomelendez)
Source: Instagram

Gamit ang isang digital na roleta, nagsalitan ang tatlo sa pagbunot ng mga nakahandang dare para sa kanila. Isa nga sa napuntang dare kay Aiko ay ang mag-picture siya ng kanyang talampakan at gawin itong profile picture na hindi din inurungan ni Aiko.

Read also

Aiko Melendez sa kili-kili nina Carmina at Gelli: "Pareho ba kayo ng deodorant?"

Marami naman ang nakapansin na hindi pa rin nagkakasama sina Aiko at Candy Pangilinan sa isang vlog. Gayunpaman, nakakasama din ni Candy sina Gelli at Carmina sa kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz. Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Carmina Villaroel, nagpa-picture sa di niya kilalang customer sa coffee shop

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel