Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

- Sa gitna ng kontrobersiyal na isyu ng pag-amin nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa kanilang relasyon, isa si Dhemy Seron sa tinututukan ng mga netizens

- Matatandaan kasi na noong kasagsagan ng pagputok ng balitang hiwalay na sina Kiko at kapatid niyang si Devon Seron, isa siya sa pinakanakitaan ng matinding reaksiyon

- Wala man siya noong binanggit na pangalan, mabilis na nagkaroon ng ideya ang publiko dahil sa kanyang mga pasaring

- Kaya naman, hindi napigilan ng mga netizens na iugnay ang kanyang mga post sa pag-amin kamakailan nina Kiko at Heaven

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang araw matapos kumpirmahin nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang tungkol sa kanilang relasyon, mainit pa rin ang usapin tungkol sa dalawa. Hindi maiwasang maiugnay ng mga netizens ang mga simpleng mga post ng mga sangkot sa nasabing isyu.

Read also

Aljur Abrenica, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na gamit

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"
Devon Seron (@devonseron)
Source: Instagram

Bilang isa sa pinaka-nagpakita noon ng matinding reaksiyon nang mapabalitang naghiwalay na sina Kiko at Devon Seron, marami sa mga netizens ang sumusubaybay sa mga post ng kapatid ni Devon nma si Dhemy Seron.

Nito nga ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram Story ang tungkol sa balitang may ahas na sumulpot sa isang department store sa ibang bansa.

Hirit niya, "D*mn she's everywhere."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Devon Seron ay unang nakilala nang maging isa sa finalists ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Nagmula siya sa Cebu City.

Taong 2018 nang lumipat si Seron sa GMA Network matapos ang kanyang pagganap bilang kapatid ni Jessy Mendiola sa remake ng Mexican Telenovela na Maria Mercedes sa ABS-CBN.

Taong 2018 din lumabas ang balita tungkol sa namumuong pagtitinginan nila ni Devon Seron. Matapos silang mamataang magkasama ng maraming beses ay inamin ng aktor ang tungkol sa kanilang relasyon noong January 2019.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, ipamimigay ang mga nahakot sa one-minute shopping challenge

Matatandaang naging maugong bali-balitang naghiwalay sina Devon at Kiko matapos mag-post ng aktres ng cryptic poct. Kinalaunan ay kinumpirma ni Kiko ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel