Herlene "Hipon Girl" Budol, ipamimigay ang mga nahakot sa one-minute shopping challenge

Herlene "Hipon Girl" Budol, ipamimigay ang mga nahakot sa one-minute shopping challenge

- Ipamimigay ni Herlene "Hipon Girl" ang kanyang mga nahakot sa 'one-minute shopping challenge' sa kanya ng kanyang sir Wil tolentino

- Mula sa appliances hanggang sa mga pabango, nakahakot si Herlene

- Ngunit hindi naman niya umano isasarili ang mga hinakot at ibabahagi sa kanyang pamilya at maging sa mga hindi raw niya kamag-anak

- Naniniwala siyang dapat na ibahagi ang biyaya maliit man ito o malaki at sinabing nakagawian na rin niya talaga ang magbahagi

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang itinodo ni Herlene 'Hipon Girl' ang paghahakot sa one-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na sa nasabing challenge, kasama rin nila si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz.'

Ngunit si Herlene ang inang nabigyan ng pagkakataon na makapag-shopping sa loob ng isang minuto.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Herlene "Hipon Girl" Budol, ipamimigay ang mga nahakot sa one-minute shopping challenge
Herlene "Hipon Girl" Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Inuna ni Hipon Girl ang mga appliances na aniya wala pa sa kanilang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumuha rin siya ng mga bagong kutson pamalit sa mga luma nilang ginagamit.

Maging ang mga pabango at iba pang mga 'hygiene care' products ay nakahakot na rin siya.

Dahil tila 'bitin' ang isang minuto kay Hipon Girl, binigyan pa siya ng isa pang minuto ng kanyang 'sir Wil.' Deserve naman daw ito ni Herlene kaya diretso pa muli sa paghahakot ng maaring maipabili si Hipon Girl.

Nang matapos, nabanggit agad ni Hipon Girl na ipamamahagi naman niya ang mga gamit na nakuha.

"Gusto ko rin kasi siyempre i-share yung blessings na natatanggap ko kay sir Wil"

Hindi naman daw niya aangkinin lahat ng mga gamit na nahakot at ipamimigay niya sa kanyang pamilya at maging sa mga hindi rin niya kamag-anak.

Read also

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

Nakagawian na raw niya talaga ang mag-share ng biyayang natatanggap, maliit man ito o malaki.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Wilbert Tolentino Vlogs:

Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Matatandaang sa makabuluhang panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nabanggit ni Hipon Girl na maging siya ay dumaranas ng matinding dagok ng pandemya. Inamin niyang dumating pa umano sa punto na naze-zero ang kanyang wallet dahil sa nawalan din siya ng pinagkakakitaan ngayong pandemic.

Kaya naman malaking bagay na kay Hipon Girl ang makasama muli sa mga video ng iba pang vlogger tulad ni Toni na ibibigay umano kay Herlene ang lahat ng kita ng video ng interview sa kanya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel