Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami

Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami

- Marami ang humanga kay Toni Gonzaga dahil sa desisyon niyang ibigay ang buong kita ng isa niyang vlog kay Herlene 'Hipon Girl'

- Ito marahil ang paraan ng TV host, actress upang matulungan si Hipon Girl na isa sa mga namomroblema sa panahon ngayon pagdating sa pera

- Nabanggit din niya ito sa mismong vlog kung saan nakapanayam niya si Herlene

- Gayunpaman, hindi raw mapapagod si Herlene na humanap ng paraan upang patuloy na maitaguyod ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pinakabagong video ng 'Toni Talks' sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, nakapanayam niya si Herlene 'Hipon Girl' Budol.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nila ay ang dagok ng pandemya kay Hipon Girl.

Aminado kasi ito na isa siya sa mga namroblema pagdating sa aspetong pinansyal dahil na rin sa kawalan ng regular na trabaho.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami
Toni Gonzaga (Photo credit: @celestinegonzaga)
Source: Instagram

"Wala po talaga akong pinagkukunan... 'Pag may raket po, nagpapa-post, 'yung ganun, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi 'pag wala po 'yun, wala po akong pagkukunan," naiiyak na ikinuwento ni Hipon Girl kay Toni.

Hayagan din niyang sinabi na talagang 'Back to zero' sila ng kanyang pamilya at labis na naghihikahos sa ngayon dahil siya ang inaasahan ng mga ito.

"Hindi ako mapapagod. Araw-araw akong gagawa ng paraan para sa kanila," ang pangako naman ni Herlene na walang ibang hangad kundi ang matulungan at maitaguyod ang kanyang pamilya.

Dahil dito, mapapansin sa huling bahagi ng vlog ni Toni ang mensahe na "Proceeds of this vlog will all go to Herlene."

Tila ito ang paraan ni Toni upang matulungan si Herlene na minsan na ring natulungan ng kanya namang kapatid na si Alex.

Dahil dito, labis siyang hinangaan ng mga netizens at labis na na-inspire sa kanyang ginawa.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, sinabing nag-1 million ang YT subscribers dahil kay Alex Gonzaga

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Proceeds of this vlog will all go to Herlene". Wow Miss Toni nkaka touched. Naiyak talaga ako. God bless you Hipon.. God bless you Miss Toni, Miss Alex and family"
"Celestine is really a kind-hearted person. Your parents raise you and Catherine too well. That’s why I admire you"
"Sobrang lowkey nung help ng ToniTalks... huhuhu ang generous!"
"'Proceeds of this vlog will all go to Herlene' God Bless you more Ms. Toni"
"'Proceeds of this vlog will all go to Herlene' Aside sa mga touching stories ni Herlene, dito ako sobrang na-amaze. Bait mo po talaga Ms. Toni"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol sa usaping pera: "Back to zero kami, walang-wala na talaga"

Kamakailan, isa rin sa mga nakapanayam ni Toni ay ang kilalang vlogger sa bansa na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer.' Aminado si Toni na humanga siya kay Basel sa tindi ng pagmamahal nito sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel