Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

- Sa muling pagkakabati at pagkakapatawaran nina Toni Fowler at Rob Moya, marami ang nadismaya na baka umasa na lang sa wala si Tito Vince Flores

- Gayunpaman, kamakailan ay pumayag na si Toni na magpaligaw kay Vince matapos siya nitong tanungin sa mismong pagdiriwang ng kaarawan ni Toni

- Isang makahulugang mensahe naman ang ibinahagi ni Vince sa kanyang social media account

- Ito ay kasunod ng pagbahagi ni Rob ng picture ng video call nila ni Toni sa kanyang Instagram story

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila lumakas na ang loob ni Tito Vince Flores na ihayag ang kanyang saloobin matapos pumayag ni Toni Fowler na magpaligaw sa kanya. Sa isang vlog ng kapatid ni Toni na si Tatan Fowler, tahasan niyang sinabing hindi siya aalis kahit pa may "epal" na bumalik.

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"
Vince Flores (@titovinceflores)
Source: Instagram
"Kung may babalik man na epal, mas lalong di ako aalis."

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Samantala sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Rob Moya ang screenshot ng kanilang video chat ni Toni. Mayroon din siyang ibinahaging picture nilang dalawa noong hindi pa sila nagkakahiwalay.

Kasunod nito ay may nakakaintrigang post si Tito Vince na nasa salitang Kapampangan.

Samasan mo nimal ka. Aspakan daka

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vince Flores o mas kilala sa tawag na Tito Vince ay isa sa bahagi ng ToRo family. Siya ang nakasama ng vlogger na si Toni Fowler matapos mabuwag ang tambalan nila ni Rob Moya dahil sa kanilang paghihiwalay.

Naging bukas si Vince sa pagpapahayag ng kanyang pagtingin kay Toni. Gayunpaman, marami ang nadismaya dahil sa isang post ni Toni na tila na-friendzone si Tito Vince.

Gayunpaman, sinabi niyang handa siyang maghintay kung kailan na magiging ready si Toni. Kamakailan nga ay pumayag na si Toni na magpaligaw kay Vince.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, sinabing nag-1 million ang YT subscribers dahil kay Alex Gonzaga

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel