Herlene "Hipon Girl" Budol, sinabing nag-1 million ang YT subscribers dahil kay Alex Gonzaga

Herlene "Hipon Girl" Budol, sinabing nag-1 million ang YT subscribers dahil kay Alex Gonzaga

- Isa si Alex Gonzaga sa mga pinasalamatan ni Herlene 'Hipon Girl' Budol sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga

- Nagkaroon umano siya ng 1 million subscribers sa YouTube dahil sa video kung saan kasama niya si Alex

- Nasabi rin nito na labis niyang pinapahalagahan ang bag na bigay sa kanya ni Alex na pinalalagay pa niya sa lugar na may aircon

- Naikwento rin ni Toni na parang kapatid na ang turing ni Alex kay Hipon Girl

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ni Herlene 'Hipon Girl' Budol si Alex Gonzaga nang makapanayam siya ng kapatid nitong si Toni Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na si Alex ang sinasabing dahilan ni Hipon Girl kung bakit niya naabot ang 1 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Matatandaang nagsama ang dalawa sa isang makulit na vlog na tila swak-swak na ang pagiging komedyante ng mga ito.

Read also

Herlene Budol, ipapagawa daw ng bubong nila ang kikitain sa vlog ni Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, pinasalamatan ni 'Hipon Girl' sa lahat ng ng naitulong nito sa kanya
Herlene 'Hipon Girl' Budol (Photo credit: @herlene_budol)
Source: Instagram

"Dahil kay Alex yun, sobrang laking tulong ni ate sa akin," pahayag ni Herlene.

Binigyan pa ni Alex ng mamahaling bag si Herlene na labis daw nitong pinakaiingatan.

Katunayan, pinapalagay pa ni Herlene ang bag na ito sa mayroong aircon upang hindi mainitan

Kwento naman ni Toni, mula nang makasama umano ni Alex si Herlene, hindi na nawala ito sa kanyang isipan.

Pabiro namang sinabi ni Herlene na tila naguluhan siya sa kanyang naramdaman nang makasama si Alex ngunit sa huli ay nasiyahan na rin siya dahil sa regalo nito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Toni kay Herlene na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Celestine Gonzaga Soriano:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Herlene Nicole Budol a.k.a. "Hipon" ay isang komedyante, aktres at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Kamakailan, buong tapang na sinagot ni Hipon Girl ang akusasyon sa kanya na nabuntis umano siya ng kanyang 'Kuya Wil.'

Maging si Willie ay pinabulaanan ang issue at makailang beses din na lumabas si Hipon Girl sa ilang online shows kung saan mapatutunayang hindi raw siya nagdadalang tao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel