Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

- Ibinahagi ni Derek Ramsay ang isang video kung ano ang isa sa malimit nilang pagkaabalahan ni Ellen Adarna tuwing umaga

- Makikita si Ellen na may hawak na tiyani at nagbubunot ng puting buhok ni Derek

- Pabiro pang sinabi ni Ellen na matanda na raw si Derek dahil sa kanyang mga uban

- Sa kasalukuyan, si Derek ay 44 taong gulang habang si Ellen naman ay 33

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maiksing video ang ibinahagi ni derek Ramsay sa kanyang Instagram account kung saan makikita si Ellen Adarna na may hawak na tiyani at naghahanap ng puting buhok niya.

Ani Derek, iyon kadalasan ang kanilang napagkakaabalahan kapag umaga. Pabiro naman siyang tinawag ni Ellen na "dirty old man."

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

Si Derek ay kasalukuyang 44 taon habang 33 taong gulang naman si Ellen. Hindi naging balakid ang kanilang 11 taong agwat sa kanilang pag-iibigan.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Matapos lamang ang ilang buwang relasyon nila ay tila siguradong-sigurado na sila sa isa't-isa. Nakatakda na silang ikasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Read also

Ogie Diaz, nawindang matapos pagbayarin ni Long Mejia sa kanilang kinain

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel