Ogie Diaz, nawindang matapos pagbayarin ni Long Mejia sa kanilang kinain

Ogie Diaz, nawindang matapos pagbayarin ni Long Mejia sa kanilang kinain

- Napamura na lang si Ogie Diaz nang mapag-alaman niyang siya pala ang pinagbayad ni Long Mejia sa kanilang kinain

- Bukod kasi sa kanilang inorder na pagkain bago mag-walkout si Long, kumain pa itong muli at nag-take out pa

- Ang pinakamahal na pagkain pa ang inorder ni Long kaya halos sampung libo ang binayaran ni Ogie

- Matatandaang sa unang bahagi ng vlog ni Ogie, marami siyang sinabing requirement upang pumayag na imanage niya si Long kaya napa-walk out ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa P9600 ang binayaran ni Ogie Diaz sa restaurant kung saan sila nagkita ni Long Mejia para mag-usap tungkol sa kagustuhan ni Long na magpa-manage kay Ogie.

Ogie Diaz, nawindang matapos pagbayarin ni Long Mejia sa kanilang kinain
Ogie Diaz (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Lingid sa kaalaman ni Ogie, matapos mag-walkout ni Long, kumain pa pala ito sa baba. Pinili pa nito ang pinakamahal na pagkain. Bukod pa ito, nag take out pa sila ng steak. Kaya naman, hindi nakakapagtatataka na umabot sa halos P10,000 ang bill ng kanilang kinain.

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

Napamura na lamang si Ogie nang lumabas na sila sa restaurant habang si Long naman ay nakaabang lang sa kanyang sasakyan upang tingnan ang magiging reaksiyon ng kanyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: