Toni Gonzaga, inaming nahirapang magpakatotoo sa sarili nang maging PBB housemate

Toni Gonzaga, inaming nahirapang magpakatotoo sa sarili nang maging PBB housemate

- Aminado si Toni Gonzaga na ang pinakamahirap na dinanas umano niya sa pagiging isang PBB housemate noon ay ang pagpapakatotoo sa sarili

- Tinanong siya ng isa ring ex-PBB housemate na si Wil Dasovich ukol dito lalo na at maging siya ay nahirapan din bilang isang housemate ni 'Kuya'

- Nilarawan pa ni Toni na 'Scary' ang pananatili sa loob ng bahay ni Kuya kung saan nakatutok sa kanila ang mga camera 24/7

- Taong 2008 nang pansumandaling naging housemate si Toni sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naibahagi ni Toni Gonzaga ang pinakamahirap niyang naranasan sa pagiging isang housemate sa Pinoy Big Brother House.

Nalaman ng KAMI na isa ito sa naitanong ng isa ring ex-PBB housemate na si Wil Dasovich kay Toni nang makapanayam niya ito sa kanyang YouTube channel na 'SuperHuman.'

Read also

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

Toni Gonzaga, inaming nahirapang magpakatotoo sa sarili nang maging PBB housemate
Photo: Toni Gonzaga (Pinoy Big Brother)
Source: Instagram

Aminado si Toni na ang pagpapakatotoo sa sarili ang pinakamahirap na bagay na ginagawa ng isang housemate na tulad niya noon sa araw-araw na pananatili sa loob ng bahay ni Kuya.

"Being true to myself and being vulnerable. Because sometimes, being true to yourself is scary, because you know that you will be judged by people and what other people would think of you."

Higit pa sa mga task na ipinagawa ni 'Kuya' sa loob, maging ang lungkot na manatili sa loob ng bahay, para kay Toni, higit na mahirap ang maipakita ang totoong sarili.

"The hardest thing that a housemate could ever go through and experience inside the house of Kuya isa being the truest, most authentic of themselves."

Taong 2008, nang biglang pinapasok ni 'Kuya' si Toni na noo'y host na ng Pinoy Big Brother sa 'confession room.'

Ito pala ay dahil magiging celebrity guest housemate siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Read also

Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

Day 15 siya pumasok sa popular na bahay, at lumabas din makalipas ang apat na araw.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam ni Wil Dasovich kay Toni Gonzaga:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga.

Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga. Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ng kilalang YouTuber na si Wil Dasovich, nabanggit ni Toni na hindi pera ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pagiging YouTube content creator.

Sa naunang bahagi rin ng naturang panayam, naikwento nina Toni at Wil na nakilala na nila si 'Kuya' ng Pinoy Big Brother house. Pinigilan pa niya si Wil na magkwento pa tungkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel