Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

- Muling nagsama sa pagtatanghal sina Lea Salonga at ang unica hija niya na si Nicole

- Ipinakita rin ni Lea ang larawan ni Nicole kung saan mas matangkad na ito sa kanya

- Marami ang namangha sa mag-ina lalo na at tila sumusunod sa yapak ni Lea ang anak na si Nicole

- Kamakailan lamang, binati niya ito sa ika-15 na kaarawan noong Mayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagkasama sa pagtatanghal sa pag-awit sina Lea Salonga at ang kanyang unica hija na si Nicole.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita niya ang pinakabagong photo nila ni Nicole bago sila magtanghal online sa isang event.

"The daughter asked for a screenshot, so this is what I gave her"
Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole
Photo: Lea Salonga (@msleasalonga)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na mas matangkad na kay Lea ang kanyang anak kaya naman napa-hashtag ito ng "#ShesGrowingUpTooFast"

Kuha umano ito mula sa isang virtual event kung saan kumanta sila ni Nicole ng "You raise me up" kasama ang ilan pang mga kilalang haligi ng musika sa Pilipinas ang kani-kanilang mga anak. Ang ilan sa kanila ay sina Pops Fernandez at anak na si Robin, Zsazsa Padilla at anak na si Karylle, maging si Regine velasquez at anak na si Nate.

Read also

Gelli De Belen, biglang napakanta si Ariel Rivera dahil sa dare ni Aiko Melendez

Matatandaang nito lamang Mayo, binati ni Lea si Nicole para sa kanyang ika-15 na kaarawan.

Narito ang kabuuan ng performance ni Lea kasama ni Nicole na naibahagi ni PJ Garcia:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maria Lea Carmen Imutan Salonga ay isang award-winning singer at actress. Nakilala siya sa buong mundo nang makuha niya ang role na 'Kim' sa musical na Miss Saigon kung saan nanalo pa siya ng Tony Award. Siya rin ang pinakaunang Asian woman na nakakuha ng award na ito. Kilala rin siya sa pagiging singing voice ng ilang Disney Princess characters na sina Jasmine at Mulan.

Isa rin si Lea sa mga tintingalang vocal coach sa The Voice Philippines. Kamakailan, inamin ni Lea na isa siyang BTS fan. Katunayan paborito niya ang mga kanta nitong "ON", "BS&T", "Dynamite", at "Blue & Grey".

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel