Gelli De Belen, biglang napakanta si Ariel Rivera dahil sa dare ni Aiko Melendez

Gelli De Belen, biglang napakanta si Ariel Rivera dahil sa dare ni Aiko Melendez

- Napakanta ni Gelli De Belen ang mister niyang si Ariel Rivera bilang bahagi ng dare sa kanya ni Aiko Melendez

- Sa vlog ni Aiko, naglaro sila nina Gelli at Carmina Villarroel na game na game sa bawat dare na ipinagawa sa kanila

- Kitang-kita pa rin ang sweetness ni Ariel sa asawang si Gelli na kahit nasa trabaho ay napagbigyan ang simpleng hiling ng misis

- Nabisto tuloy ang kantang alay niya sa misis na siyang kinanta niya sa nasabing dare

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super sweet pa rin ng singer/actor na si Ariel River sa kanyang misis na si Gelli De Belen.

Katunayan, sa vlog ni Aiko Melendez, game na game itong kantahan si Gelli bilang bahagi ng dare sa kanya nina Aiko at Carmina.

Kasalukuyan noong nasa taping si Ariel nang i-video call ito ni Gelli para hilingin na kantahan sila nito.

Read also

Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

Gelli De Belen, napakanta ang mister na si Ariel Rivera dahil sa dare sa kanya ni Aiko Melendez
Gelli De Belen kasama ang mister na si Ariel Rivera (Photo credit: Ariel Rivera & Gelli De Belen Fanpage)
Source: Facebook

Walang ano pa man, pinagbigyan ni Ariel ang hiling ng misis at kinanta nito ang awiting "Of all the things" na siyang alay niya talaga kay Gelli.

"It's a song that always reminds me of you," ayon pa kay Ariel bago niya kantahin ang ilang linya ng awit.

Mapapansing kinilig naman ang misis lalo na at hindi siya binigo ng mister sa naturang dare.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Anna Gianelli Yap De Belen-Rivera, o mas kilala bilang si Gelli De Belen ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Siya ang nakababatang kapatid ng isa pang mahusay na aktres na si Janice De Belen. Taong 1997 nang ikasal siya sa sikat na aktor at OPM singer na si Ariel Rivera.

Read also

Toni Gonzaga, napasabak sa matinding English challenge ni Basel Manadil

Kasalukuyang bahagi si Gelli ng It's Showtime bilang isa sa mga hurado sa 'Reina ng Tahanan' Kamakailan, hindi nito napigilang maluha sa naging usapan ng mag-ina sa naturang segment ng noontime show.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel