Judy Ann at Ryan Agoncillo, napaisip kung sino nga ba sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'

Judy Ann at Ryan Agoncillo, napaisip kung sino nga ba sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'

- Nagkatinginan at napaisip ang showbiz couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nang matanong sila isang 'good quaetion' ni Karen Davila

- Hindi na nila umano matandaan kung sino sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'

- Ngunit ayon kay Ryan, si Judy Ann ang unang nag-kiss sa kanila at aminado itong good kisser ang misis

- Isa sina Ryan at Juday sa mga kinikilalang matatag na showbiz couple sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapanayam ni Karen Davila ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nalaman ng KAMI na talagang napaisip at nagkatinginan ang mag-asawa nang tanungin sila ni Karen ng "Who said I love you first?"

Judy Ann at Ryan Agoncillo, napaisip kung sino nga ba sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo (@officialjuday)

"Ay, good question," ang agad na nasabi ni Ryan na sinundan naman ni Judy Ann ng "Oo nga no," gayung hindi sila umano sigurado kung sino ang unang nag-i love you sa kanila.

"Basta alam ko ki-niss mo ako ng una," pahayag ni Ryan na sobra namang ikinatuwa ng kanyang misis. Makulit ding inamin ng Eat Bulaga host na 'better kisser' ang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng masayang pakikipagkwentuhan nila kay Karen Davila:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Samantala, ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay isa sa mga matatag na showbiz couple sa Pilipinas. Biniyayayaan sila ng tatlong mga anak na sina Euan, Lucho at Luna. Bukod sa kani-kanilang showbiz engagements, abala rin ang mag-asawa sa kanilang negosyo at isa na rito ang patok nilang restaurant na 'Angry Dobo.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel