Ogie Diaz, sinabing maaring maging talent si Toni Gonzaga ng AMBS na pagmamay-ari ng mga Villar

Ogie Diaz, sinabing maaring maging talent si Toni Gonzaga ng AMBS na pagmamay-ari ng mga Villar

- Isa sa mga Showbiz Updates ni Ogie Diaz ay ang posibilidad na maging talent umano ng AMBS si Toni Gonzaga

- Ang AMBS ay pagmamay-ari nina Manny Villar, at ito ay ang Channel 2 frequency ng ABS-CBN

- Aniya, dahil sa nakita kamakailan na pagsuporta ni Mark Villar kay Toni, sinabing maaring maging talent umano ng network ang dating main host ng Pinoy Big Brother

- Isa rin sa kanyang nilinaw ang posibilidad namang mag-merge ng AMBS at ABS-CBN na malabo raw mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong showbiz update ni Ogie Diaz, isa sa mga napag-usapan nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay ang posibilidad na maging talent si Toni Gonzaga ng Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS), ang network na pagmamay-ari ni Manny Villar.

Ogie Diaz, sinabing maaring maging talent si Toni Gonzaga ng AMBS na pagmamay-ari ng mga Villar
Ogie Diaz (Photo: Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: UGC

Nabanggit ni Ogie D ang pagsuporta ng anak ni Manny Villar na si Mark kay Toni Gonzaga na maaring maging isa sa mga talent nila sa (AMBS)

Read also

Unang eviction night ng PBB na wala si Toni Gonzaga, viral

"'E yun na nga e, napabalita rin na sinusuportahan ni Secretary Mark Villar si Toni Gonzaga. Ngayon, ang iniisip ng iba, ah 'eto na. Baka i-welcome din si Toni bilang isa sa mga talents ng AMBS."

Matatandaang tuluyan nang iniwan ni Toni ang Pinoy Big Brother kamakailan matapos ang 16 na taong pagiging main host niya ng programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nilinaw naman ni Ogie Diaz na sa ngayon, wala pa umanong malinaw na plano kung magkakaroon nga ng merging ang AMBS at ABS-CBN base umano sa nakausap niya mula sa Kapamilya network.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Atty. Rowena Guanzon, sa pagpili ng iboboto; "'Di pwedeng popular lang sila"

Sa isang Showbiz Update ni Ogie D, natanong niya umano si Toni Gonzaga kung nakalimot ba ito sa nagawa ni Rodante Marcoleta na isa sa mga ipinakilala niyang senatoriables sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Aniya, mas mainam sanang kumuha ng co-host si Toni na siya umanong nagpakilala kay Marcoleta. Matatandaang si Marcoleta ang isa umano sa mga nagdiin na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel