Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS

Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS

- Ibinahagi ni Lea Salonga sa social media ang tungkol sa paghanga niya sa K-Pop group na BTS

- Pinayagan ng beteranang mang-aawit ang kanyang mga followers na magtanong sa kanya tungkol sa BTS sa Twitter

- Ang mga paborito niyang kanta ng BTS ay ang ON, BS&T, Dynamite, at Blue & Grey

- Nagpayo rin ang “The Voice” coach kung paano maging magaling at confident na singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinatunayan ni Lea Salonga na walang age limit ang pagiging isang fangirl. Ito ay pinatotohanan niya nang ipinakita niya ang kanyang paghanga sa South Korean all-male group na BTS.

Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS
Lea Salonga (Photo credit: @msleasalonga)
Source: Instagram

Pinayagan ni Lea ang kanyang mga followers sa Twitter na magtanong sa kanya tungkol sa BTS.

Saad din ng Tony Award-winning singer na malaki ang naitulong ng K-Pop group sa kanyang mental health.

Read also

Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi rin niya na kung papapiliin siya ng isang K-pop group na pwede niyang pakinggan buong buhay niya, iyon ay ang BTS.

“So far, it’s been a lot of fun! I’ve connected with a couple of other fangirls close to my age, and we have a great appreciation for their talent. Like we’re proud aunties!”

Ang singer at aktres ay 49-anyos na pero di mapagkakailang bagets at heart din siya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tinanong din siya kung paano niya nakilala ang grupo at sinagot niyang nakita niya itong nag-perform sa TV ng “DNA”. Noong una ay hindi siya nadala pero noong nakita niya nang mag-perform sila ng “Dynamite” ay doon na siya naging fan ng mga ito.

Ang mga paboritong kanta niya ay ang "ON", "BS&T", "Dynamite", at "Blue & Grey".

Read also

Joshua Garcia umaming nagawa nang mag-‘drunk call’ at hindi pa raw naba-basted

Humanga rin siya sa music videos ng grupo kung saan nagbi-break dance ang mga ito. Malakas din ang dating ng bawat miyembro na siyang dumadagdag sa angas ng awitin nila.

Inilahad niya rin ang bawat katangiang gusto niya sa bawat isang miyembro ng BTS. Matapos ang talakayan sa Twitter tungkol sa BTS ay nagpayo rin siya kung paano maging magaling at confident na singer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lea Salonga ay isang Pinoy na international singer. Sumikat siya simula nang maging bahagi siya ng “Miss Saigon”. Siya rin ay isa sa mga Coaches ng Pinoy version ng “The Voice”.

Sa isang naunang ulat ay napag-alaman na may mga K-Pop celebrities din pala na humahanga kay Lea. Isa na rito ang South Korean rapper na si Tablo. Minsan siyang nag-react sa tweet ng Pinay singer at sinabi ang tungkol sa kanyang paghanga.

Read also

Bryan Santos, Marlann Flores engaged na; sa Araw ng mga Puso pa mismo

Nitong Valentine’s Day naman ay nag-iwan ng isang payo si Lea para sa mga singer na pinipilit makapag-belt.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel