Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

- Muling mapapabilang si Bianca Umali sa isang cultural drama series ng GMA-7

- Ito ay ang “Legal Wives” kung saan ay makakasama niya sina Dennis Trillo, Andrea Torres, at Alice Dixson

- Binansagan si Bianca na ‘epic-serye princess’ ng mga netizens dahil sa mga proyektong kinabibilangan niya

- Malaki ang pasalamat ng aktres sa tiwala sa kanya ng GMA-7 kung kaya ay pinagbubutihan niya ang mga pag-ganap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bianca Umali ay muling magiging bahagi ng isang cultural drama series ng GMA-7, ang “Legal Wives”, at dahil dito ay tinawag siyang ‘epic-serye princess’ ng publiko.

Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

Bianca Umali (Photo credit: @bianxa)
Source: Instagram

Kasama niya sa serye ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, Andrea Torres, Alice Dixson, Cherrie Gil at marami pang iba.

Noong ika-11 ng Pebrero, sa Kapuso ArtisTambayan, ay nakasama nina Abdul Raman at Ashley Ortega si Bianca, at ipinaliwanag ng aktres ang karakter niya sa teleserye.

Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS
"Ako po dito si Farrah Balindong and I will be playing the third and youngest wife of the one and only Mr. Dennis Trillo.
“I don't want to go into too much detail kasi baka ma-spoil, pero I hope that everyone watches our show kasi it is very intriguing,"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Bianca Umali rin ang lead star ng “Sahaya” na isa ring cultural drama series. Ipinakita nito ang kultura ng tribo ng mga Badjao at ang iilang mga isyu na kanilang kinakaharap sa lipunan.

Nagpasalamat si Bianca sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya lalo na sa GMA Network na binibigyan siya ng pagkakataong gumanap sa mga epic at cultural series roles. Sinabi rin niyang mas nasasabik siyang gampanan ang mga karakter dahil sa tiwala ng network sa kanya.

Joshua Garcia umaming nagawa nang mag-‘drunk call’ at hindi pa raw naba-basted

Ang “Legal Wives” ay isang kakaibang istorya ng isang espesyal na pamilya. Ito ay kuwento ng tatlong babae na pinakasalan ng isang lalaking Maranaw na may iba-ibang intensyon at layunin.

Gagampanan ni Bianca Umali ang karakter ni Farrah, ang pinakabatang asawa ni Ishmael na gagampanan naman ni Dennis Trillo. Pinakasalan ni Ishmael si Farrah upang protektahan ito at ang kanyang pamilya sa posibleng iskandalo na mangyayari sa kanila.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang panayam sa kanya ni Lhar Santiago sa "Unang Hirit" ay sinabi ng aktres na isang biyaya para sa kanya ang makatambal sa proyekto si Dennis Trillo, na isa sa mga beteranong aktor sa industriya.

Ipinahayag din niya na isang malaking hamon at responsibilidad ang gampanan ang isang karakter na malayo ang kultura sa kanya kaya naman ay nagsa-saliksik siya upang magampanan niya ng mabuti ang mga karakter na binibigay sa kanya.

Iza Calzado, malaki ang pasasalamat kay Sunshine Dizon dahil sa tulong sa career

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bianca Umali ay isa sa mga sikat na batang aktres ng Kapuso network. Mas sumikat siya ng maging ka-love team niya si Miguel Tanfelix. Ngunit simula nang ma-link si Bianca kay Ruru Madrid ay nawala na rin ang kanilang tambalan.

Sinabi ni Miguel na masaya naman siya ngayon sa takbo ng career niya kahit na wala siyang ka-love team. Sa katunayan ay may bago siyang bigating proyekto, ang “Voltes V: Legacy” kung saan ay gaganap siya bilang si Steve Armstrong.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel