Iza Calzado, malaki ang pasasalamat kay Sunshine Dizon dahil sa tulong sa career

Iza Calzado, malaki ang pasasalamat kay Sunshine Dizon dahil sa tulong sa career

- Ibinahagi ni Iza Calzado ang kasiyahan sa pagtatapos ng kanyang proyekto na “B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy”

- Masaya si Iza na nabigyan ng isang light role dahil palagi nalang mga seryosong karakter ang ibinibigay sa kanya

- Ang nasabing proyekto ay directorial debut ni Sunshine Dizon at nagpapasalamat si Iza na siya ang pinakaunang aktres nito

- Sinabi rin ni Iza na dati siyang tinuturuan ni Sunshine pagdating sa acting kaya malaki ang pasalamat siya dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ni Iza Calzado kung bakit masaya siya bilang pinakaunang aktres ni Sunshine Dizon sa kanyang directorial debut at kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Iza Calzado ibinahagi kung bakit malaki ang pasalamat niya kay Sunshine Dizon

Iza Calzado (Photo credit: @missizacalzado)
Source: Instagram

Pagkatapos ng kanyang taping sa kanyang unang romantic comedy project na “B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy”, sinabi ni Iza na siya ay masaya sa kanyang karakter na si Brandy na isang may-ari ng maliit na hotel.

Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

Sinabi rin niya na ito na ang pinakamagaan at madaling role na kanyang ginampanan. Naging parte na rin siya dati ng mga comedy films pero kadalasan ay nabibigay pa rin talaga sa kanya ang mga seryosong roles.

Kasama rin sa proyekto ni Iza ang mga ‘sanggre’ na sina Karylle at Sunshine Dizon, at si Direktor Mark Reyes. Ito rin pala ang directorial debut ni Sunshine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Idinagdag ng Kapamilya actress na sobrang saya niya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Sunshine ay ang siyang nag-direk sa kanya mismo sa film na ito. Matagal nang magkaibigan ang dalawa at ayon kay Iza ay si Sunshine mismo ang tumulong sa kanya dati bilang isang guro nito sa pag-arte.

“I am very, very honored and proud to be her first actress. I love you. Magkakabit yung bituka namin.
Jericho Rosales, ibinahagi ang video ng asawang si Kim Jones
“Pagdating nga sa last day namin. Emotional siya for me yung nangyari. Nung pumasok ako ng industriya kilala ko na si Sunshine bata pa kami. Tapos matagal kaming hindi nagkita.
“Nung first soap was her soap and she became one of my first acting teachers because I have never done an acting workshop during that time. So she generously shared with me acting tips.
“And then sabi ko nga sa kanya, ‘Ga, dito pala tayo dadalhin ng buhay. Na kaya mo siguro yun shinare sa akin at gagabayan mo ako kasi idi-direct mo ako isang araw.’” sabi ni Iza.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isiniwalat din ng aktres na kahit hindi man nag-aral si Sunshine sa isang directing school ay lagi itong nagsasaliksik at laging pinag-aaralan ang emotional arc ng bawat karakter sa isang istorya.

Sinabi rin niya na kahit kailan man ay hindi pinaramdam nito na mas magaling siyang umarte kapag tinuturuan siya nito. Ito ay laging collaborative learning ayon sa aktres. Kaya nakikita niyang magiging maganda ang kinabukasan ni Sunshine bilang isang direktor.

Moira Dela Torre, binahagi ang reaksiyon ng asawa sa kanyang prank

Ang “B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy” ay eksklusibong mapapanood sa WeTV at iflix. Habang ang mga bagong kabanata nito ay mapapanood tuwing Sabado ng 7 p.m. Kasama rin sa serye sina Ian Veneracion, Lovely Abella, Emmanuelle Vera, at Ketchup Eusebio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Iza Calzado ay isa sa mga pinakamagaling na aktres ng henerasyon na ito. Kasalukuyan siyang mapapanood sa Kapamilya primetime series na “Ang Sa’yo Ay Akin”.

Nang magsimula ang taon ay ibinahagi ni Iza ang mga natutunan niyang aral sa 2020. Matatandaang nagpositibo si Iza sa COVID-19 kaya ngayon ay mas pinapahalagahan na niya ang kanyang buhay.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel