Moira Dela Torre, binahagi ang reaksiyon ng asawa sa kanyang prank

Moira Dela Torre, binahagi ang reaksiyon ng asawa sa kanyang prank

- Ibinahagi ni Moira Dela Torre ang reaksiyon ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez sa kanyang prank

- Isang automated message na umano'y galing sa brand na Chanel.com ang ginamit ni Moira para mapaniwala ang asawa na bumili siya ng mamahaling bag

- Sa huling bahagi ng video ay makikita ang gulat na gulat na reaksiyon ni Jason nang marinig niya na mahigit 300K ang halaga ng bag

- Marami sa mga netizens ang naaliw sa reaksiyon ni Jason habang nakatingin sa kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon ni Jason Marvin Hernandez matapos siyang mapaniwala sa prank ng asawang si Moira Dela Torre.

Makikita sa video na ibinahagi ni Moira na nakikinig si Jason sa isang automated message na umano ay galing sa Chanel.com.

Kinokumpirma sa mensahe na naging matagumpay ang pagbili ng bag na nagkakahalaga ng mahigit 300,000.

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak
Moira Dela Torre, binahagi ang reaksiyon ng asawa sa kanyang prank

Photo from Moira Dela Torre (@moirarachelle)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila nabigla at naguluhan si Marvin base sa kanyang reaksiyon at napalingon ito sa kanyang asawa.

Umani ng mga reaksiyon ang nakakaaliw na prank ni Moira sa asawa:

More prank moi hahaha miss you both. Kakatawa yung reaction ni kuya. Bat parang ang hinhin parin ninyo magalit. Mama ko Kasi kulang nalang matulog ako sa labas .
Kung ako makakarinig din higit pa sa lingon ko whahahahaha good job @moirarachelle! Love ka talaga , para chill lang not totally galit,na shock lang.
Hahaha! I watched it over and over..super legit yung reaction. Very guy thing. Cute nung reaction ni kuya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Moira dela Torre ay isang kilalang singer songwriter sa bansa na nagpasikat ng mga awiting "Malaya", "Tagpuan", at "Ikaw at Ako." Ang awiting Titibo-tibo ay unang nagpasikat sa kanya matapos itong manalo sa Himig Handog 2017.

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Kamakailan ay lumikha din ng ingay ang kanyang awiting Paubaya matapos itong umani ng samu't-saring reaksiyon.

Kinanta niya rin ang awiting Reflection para sa pelikulang Mulan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel