Joshua Garcia umaming nagawa nang mag-‘drunk call’ at hindi pa raw naba-basted

Joshua Garcia umaming nagawa nang mag-‘drunk call’ at hindi pa raw naba-basted

- Sumabak sa Lie Detector Challenge si Joshua Garcia sa bagong vlog ni Enchong Dee

- Ipinagtapat ng aktor na naranasan na niyang may tawagan noong siya ay malasing

- Ibinunyag rin ni Joshua na hindi pa niya nararanasang ma-dump o mabasted kailanman

- Nag-enjoy ang dalawa sa kanilang laro kahit pa man madalas ma-kuryente si Joshua

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Joshua Garcia na naranasan na niyang mag-‘drunk call’ habang nakasalang sa lie detector test para sa vlog ng kaibigan na si Enchong Dee.

Joshua Garcia umaming nagawa nang mag-‘drunk call’ at hindi pa raw naba-basted

Joshua Garcia (Photo credit: @garciajoshuae)
Source: Instagram

Sumalang sa Lie Detector Challenge ang Kapamilya Stars na sina Joshua Garcia at Enchong Dee sa vlog ng huli sa kanyang Youtube Channel. Ito ay na-upload ng aktor noong ika-12 ng Pebrero, bago ang Araw ng mga Puso.

Marami silang napag-usapang mga bagay-bagay parte sa mga buhay nila, lovelife at kung anu-ano pa.

BF, masayang napagtapos ng kolehiyo ang pinakamamahal na nobya

Isa sa mga itinanong kay Joshua ay:

“Have you ever drunk texted or drunk called someone?”

Sumagot naman si Joshua ng “Oo”. Pero kahit na-kuryente siya sa kanyang sagot, na ang ibig sabihin sa lie detector gadget ay nagsisinungaling siya, mukha namang nagsasabi ng totoo si Joshua.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Humirit naman si Enchong sa tanong na:

“Ano’ng sinasabi mo ‘pag nagda-drunk call ka? I love you?”

Sumagot si Joshua na “Hindi.”

Habang iba naman ang naging reaksiyon ni Joshua nang humirit pa si Enchong na pareho nilang pinagtawanan.

“Sa’n ka? I’m on my way.” pabiro ni Enchong.

Isa pang tanong ni Enchong kay Joshua ay:

"Have you ever been dumped before?”

Sumagot siya ng “No.”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Harry Roque naglabas ng katibayan umano ng mga ‘unsettled dues’ ng ABS-CBN

Kahit ang lie detector gadget ay hindi nagbibigay ng eksaktong tamang sagot ay sigurado namang nag-enjoy ang mga fans nila sa kakapanood ng kanilang video.

Hindi ito ang unang appearance ni Joshua sa vlogs ni Enchong Dee. Mayroon din silang video noon na kailangan nilang sumagot ng totoo sa lahat ng mga tanong parte sa kanila. Itinuturing ni Enchong si Joshua na isa sa pinakamalapit na kaibigan niya sa showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joshua Garcia ay isa sa mga rising stars ng ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay inihalintulad din siya kay John Lloyd Cruz. Naging laman siya ng balita nang maghiwalay sila ng ka-love team at ex-girlfriend niya na si Julia Barretto.

Naging usap-usapan ulit ang tambalang JoshLia matapos itampok sina Joshua at Julia sa official music video ng awit ni Moira dela Torre na “Paubaya”. Mas lalo pa itong nag-trending nang ibahagi ng gumanap na pari sa video na hindi pala scripted ang palitan ng linya ng dalawa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel