'No script' ang palitan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"

'No script' ang palitan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"

- Ibinunyag ng pari na gumanap sa music video ng "Paubaya" na wala umanong script ang palitan ng linya ng "JoshLia"

- Sinabi nitong ang eksena na nagpaluha sa marami ay pawang 'closure' sa hiwalayan nina Julia Barretto at Joshua Garcia

- Sinabi nitong pinalabas pa umano sila at ang tanging natira lamang ay ang dalawang artista, si Moira, direktor at cameraman

- Kaya naman lumabas talagang totoo at tagos sa puso ang huling eksena ng music video na nagpaiyak sa maraming Pinoy noong Araw ng mga Puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Eksaktong Araw ng mga Puso ay pinaluha nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang maraming Pilipino dahil sa kanilang pagganap sa music video ng kantang "Paubaya" ni Moira Dela Torre.

Nalaman ng KAMI na ang pari na gumanap sa nasabing music video na si Donal Lapez ay naibahaging maging sila ay naiyak sa tagos sa pusong eksena ng tambalang 'JoshLia.'

Read also

JoshLia, ipinakita ang behind-the-scenes ng music video na "Paubaya"

Sa kanyang social media post, ikinuwento niya ang pangyayari kung paano kinunan ang nakakadurog ng pusong eksena ng 'JoshLia."

'No script' ang batuhan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"
Julia Barretto at Joshua Garcia (Photo credit @juliabarretto)
Source: Instagram

Sinabi nitong walang script, at tanging sina Julia at Joshua, direktor at cameraman pati si Moira ang natira sa simbahan kung saan kinunan ang eksena.

"No script, just pure words of forgiveness ang love" ang paglalarawan pa ni Donald sa eksenang nagpaluha sa marami.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang nakapansin na tila totoong-totoo ang mga luha at mga binitawang salita ng dalawa para sa isa't isa lalo na at "Josh" pa rin ang pangalan ni Joshua sa music video.

Nagpasalamat din si Donald na isang hair and makeup artist at pinili siya ni Moira upang gumanap na pari sa music video na makalipas lamang ang isang araw ay mayroon nang mahigit 7 million views.

Read also

JoshLia, balik-tambalan sa official music video ng 'Paubaya' ni Moira dela Torre

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

'No script' ang batuhan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"
Photo credit Donald Lapez
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Pebrero 14 nang inilabas ang official music video ng "Paubaya" ang pinakabagong kanta ni Moira Dela Torre.

Fans man o hindi ng JoshLia ay napaiyak at nadala sa bawat eksena ng dalawa na tugmang-tugma sa nasabing kanta.

Ibinahagi rin nina Joshua Garcia at Julia sa kani-kanilang Instagram ang mga behind-the-scenes ng kanilang pagbabalik tambalan sa music video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel