JoshLia, ipinakita ang behind-the-scenes ng music video na "Paubaya"

JoshLia, ipinakita ang behind-the-scenes ng music video na "Paubaya"

- Ibinahagi nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang behind-the-scenes pictures ng music video kanta ni Moira Dela Torre na "Paubaya"

- Nagkasama ang dating magka-love team sa naturang music video na gumulat sa kanilang mga tagahanga

- Naging usap-usapan ang naturang music video dahil sa tila totoo umano ang batuhan ng linya ng dalawang mahuhusay na artista

- Matatandaang 2019 pa nang maghiwalay ang dating magkasintahan ngunit nanatili naman umano silang magkaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Julia Barretto ang ilang behind-the-scenes pictures ng pagbabalik tambalan nila ni Joshua Garcia sa official music video ng "Paubaya."

Ang Paubaya ay kanta ni Moira Dela Torre na muling umantig sa puso ng marami.

Mas lalong dumagdag sa tindi ng emosyon ng awitin nang sina Julia at Joshua o mas kilala sa tambalan nilang "JoshLia" ang gumanap na magkasintahan sa video.

Read also

'No script' ang palitan ng linya ng JoshLia ayon sa gumanap na pari sa MV ng "Paubaya"

JoshLia, ipinakita ang 'behind the scenes' ng music video na "Paubaya"
Julia Barretto and Joshua Garcia (Photo credit: @juliabarretto)
Source: Instagram

Marami ang napaiyak umano ng video lalo na at inilabas ito sa "Araw ng mga Puso"

Damang-dama umano ng mga nakapanood ng music video ang bawat eksena sa video na animo'y totoong "closure" daw ng dalawang dating magkasintahang na mas piniling maghiwalay na lamang at magkaroon ng kanya-kanyang buhay.

Mas lalong tumagos sa puso ng mga netizens ang pinakahuling eksena ng dalawa kung saang nagkapatawaran umano sila sa sinapit ng kanilang relasyon. "Josh" pa rin ang pangalan ni Joshua sa naturang music video.

Isang araw matapos na mailabas ang "heartbreaking" na music video na ito, ipinakita naman nina Julia at Joshua ang 'behind-the-scenes' kulitan nila ng dating kasintahan.

Sa kani-kanilang Instagram post, ibinahagi nila ang mga kaganapan habang ginagawa nila ang music video.

Naroon din ang singer sa kabila ng napakagandang awitin na si Moira Dela Torre maging ang kanyang asawa na si Jason Marvin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens lalo na ang kanilang mga fans na natuwa umano sa pagsasama muli ng kanilang mga idolo:

"It doesn't look like acting at all, the feelings, the conversation, the music video are all perfect."
"Pinakamasakit, pinakamasaya, at pinakamagandang musika at buhay na napanood ko."
"Dramas are good, but this is real with probably no drama at all, is the best."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Naging ka-love team niya si Joshua Garcia na produkto ng Pinoy Big Brother noong 2015. Naging real-life couple ang dalawa subalit nauwi rin sa hiwalayan noong 2019.

Read also

JoshLia, balik-tambalan sa official music video ng 'Paubaya' ni Moira dela Torre

Kamakailan ay nag-viral ang mga larawan ng "little Julia" kasama ang kanyang pamilya sa isang throwback post.

Agaw-eksena rin ang isang socmed post ni Julia kung saan may kasama umano siyang lalaki na siyang nagda-drive na nagbigay ng iba't ibang ispekulasyon sa fans na iyon ang kasalukuyang nagpapatibok ng puso ng dalaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel