Harry Roque naglabas ng katibayan umano ng mga ‘unsettled dues’ ng ABS-CBN
- Naglabas ng mga dokumento si Harry Roque bilang patunay umano na may mga pananagutang pinansyal pa ang ABS-CBN
- Sinabi niya na bahala na raw ang Ombudsman na mag-imbestiga sa kasong ito
- Matatandaang sinabi ng pangulo na hindi pa rin niya papayagan ang ABS-CBN na makapag-renew ng prangkisa
- Ito ay sa kabila nang paglilinaw ng BIR at DBP na wala nang ‘unsettled dues’ ang network
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ilang dokumento na nagpapakita umano ng mga ‘unsettled dues’ ng ABS-CBN network.
Nitong ika-15 ng Pebrero ay ipinakita ni Roque sa publiko ang ilang dokumento ng sinasabing listahan ng mga utang o bayarin ng Kapamilya network na hindi pa naaayos.
Base sa tweet ng CNN Philippines, may mga binitawang komento si Roque kaugnay dito.
“Ito ba ho ay tama, makatarungan, ethical? Dapat ho bang ipagpatuloy pa ito?”
“Hayaan na po natin mag-imbestiga ang Ombudsman” dagdag pa ni Roque.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Matatandaang sinabi ni Roque noong ika-9 ng Pebrero na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisina ng Ombudsman na paimbestigahan ang ABS-CBN.
Ipinaliwanag ni Roque ang detalye sa mga hindi nabayarang buwis at pinahintulutang loans para sa ABS-CBN na tinukoy ng pangulo noong ika-8 ng gabi.
Sa talumpati ng pangulo ay sinabi niyang hindi pa rin niya pahihintulutan na bumalik ang operasyon ng ABS-CBN kahit na ibigay pa ng Kongreso ang prangkisa nito.
Ito ay kahit sinabi na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Development Bank of the Philippines (DBP) na walang unpaid taxes at condoned loans ang ABS-CBN.
Idinagdag ni Roque na bahala na ang Ombudsman sa pag-aksyon sa paglabag ng ABS-CBN sa Anti-Graft Law.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Noong July 2020 ay tinanggihan ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng ABS-CBN sa panibagong prangkisa para sa karagdagang 25 taong operasyon.
Ang nasabing broadcast company ay inaakusahang lumabag sa batas sa nakaraang prangkisa nila na ang namumunong chairman pa noon ay si Eugenio Lopez III.
Inakusahan ang ABS-CBN ng tax avoidance schemes, korapsyon kung saan binabayaran daw nila ang ilang mga politiko para sa sariling interes, inappropriate program content, at iba pa.
Tinanggihan pa rin ang kanilang aplikasyon kahit na sinabi na ng BIR, Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Justice (DOJ) na malinis ang kanilang rekord laban sa mga paratang sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Harry Roque ay ang kasalukuyang presidential spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit pa hindi pinayagang makapag-renew ng prangkisa ay maraming mga Kapamilya celebrities pa rin ang nananatiling loyal sa ABS-CBN. Isa na rito si Enchong Dee na isa sa mga matatapang na nagtatanggol sa kanyang home network sa social media. Napabalita rin kamakailan na sinabi ni Joshua Garcia na hindi niya kayang iwan ang ABS-CBN dahil pamilya na ang turing niya dito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh