Joshua Garcia hindi kayang iwan ang ABS-CBN kaya hindi makalipat

Joshua Garcia hindi kayang iwan ang ABS-CBN kaya hindi makalipat

- Inamin ni Joshua Garcia na sumagi rin sa kanyang isip na lumipat ng ibang network pagkatapos magsara ng ABS-CBN

- Ngunit ayon sa aktor ay hindi niya ito magawa dahil sa itinuturing na niyang pamilya ang Kapamilya network

- Sinabi rin ni Joshua na 100% ang kanyang suporta sa ABS-CBN kahit hindi siya nakadalo sa mga rally

- Ngayon ay balik trabaho na ang aktor at may mga bago siyang proyekto sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Joshua Garcia ang rason kung bakit hindi niya magawang lumipat ng network noong ipasara ang ABS-CBN kahit naisipan niya itong gawin.

Joshua Garcia hindi kayang iwan ang ABS-CBN kaya hindi makalipat
Joshua Garcia (Photo credit: @garciajoshuae)
Source: Instagram

Naging guest ni Enchong Dee si Joshua sa kanyang latest vlog na na-upload noong ika-22 ng Enero. At dito ay naibahagi niya ang kanyang naging saloobin tungkol sa naging pagsasara ng Kapamilya network noong nakaraang taon.

Read also

Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing

Nang tanungin siya ni Enchong kung naisipan ba niyang lumipat ng network kagaya nang ginawa ng ibang artista, inamin din ng aktor na naisipan din niya naman ito.

“Sumagi sa isip ko, pero hindi ko magawa.”

Ngunit ipinaliwanag ni Joshua ang dahilan kung bakit hindi niya magawa ang binabalak na paglipat.

“Ibang relationship ‘yung na-build ko with ABS, e. Parang naging pamilya ko sila. Parang hindi ko kayang iwan. Mananatili na ‘yung loyalty ko na sa ABS,” sabi niya.

Nagpakatotoo lang si Joshua kung bakit sumagi sa isipan niya na iwan ang kanyang home network.

“Siguro, nadala lang ako kasi magsasara na ‘yung ABS, tapos may pandemic pa. Kailangan ko kumita ng pera para sa pamilya ko. Eventually, magiging okay din lahat, e, unti-unti.” paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Ayon rin sa bida ng “The Good Son”, kahit na hindi siya dumalo sa mga rally ay 100% ang suporta niya para sa ABS-CBN. Ibinahagi niya na nagmi-message rin siya kay Cory Vidanes, COO ng ABS-CBN, para ipaabot ang kanyang buong suporta.

Read also

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Sa ngayon ay nakabalik na nga sa trabaho si Joshua. Isa siya sa mga bida sa “MMK” ngayong Enero. Inaabangan din ang kanyang pagsabak sa film adaptation ng “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” na isinulat ni Bob Ong. Magiging parte rin siya ng Philippine remake ng K-Drama na “Keys to the Heart”.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joshua Garcia ay isang Kapamilya na aktor at modelo. Sumikat siya simula nang naging teen housemate siya sa “Pinoy Big Brother: All In”.

Si Joshua ay dating ka-tambalan ni Julia Barretto at naging sila rin sa totoong buhay. Ngunit naging kontrobersyal ang kanilang hiwalayan dahil sa pagkakadawit ni Gerald Anderson. Hindi inamin ng aktor na siya ang third-party sa hiwalayan ng JoshLia. Pero hanggang ngayon ay nali-link pa rin sina Gerald at Julia sa isa’t isa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel