Enchong Dee, nag-react sa pahayag ni Duterte ukol sa franchise ng Dos

Enchong Dee, nag-react sa pahayag ni Duterte ukol sa franchise ng Dos

- Tila nagpasaring ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa prangkisa ng ABS-CBN

- Sa isang tweet, sinabi ni Dee na dapat na mas inuuna ang problema sa kahirapan ng maraming Pinoy

- Ayon kasi sa pangulo, hindi niya hahayaang magkaroon ng license to operate ang istasyon hangga't hindi nito nababayaran ang kulang na buwis

- Dati nang sinabi ng ABS-CBN na wala silang pagkaka-utang na buwis na sinang-ayunan naman ng BIR ayon kay Assistant Commissioner Manuel Mapoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nagpasaring ang Kapamilya actor na si Enchong Dee kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa naging pahayag ng huli sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa isang tweet, sinabi ni Dee na dapat na mas inuuna ang problema sa kahirapan ng maraming Pinoy.

Read also

Toni Gonzaga, tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pinaayos niyang toddler room ni Seve

"Andyan ka pa rin?? Hoy Gising! Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, yun muna unahin natin... kahit wala kaming franchise nakakapagbigay serbisyo kami," anito.

Enchong Dee, nag-react sa pahayag ni Duterte ukol sa franchise ng Dos
Photo: Enchong Dee (@mr_enchongdee)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ng pangulo na hindi niya hahayaang magkaroon ng license to operate ang istasyon hangga't hindi nito nababayaran ang kulang nitong buwis.

"Unless and until the Lopezes pay their taxes… I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan. It’s like giving them a prize for committing criminal acts," ayon kay Pangulong Duterte.

Dati nang sinabi ng ABS-CBN na wala silang pagkaka-utang na buwis na sinang-ayunan naman ng BIR ayon kay Assistant Commissioner Manuel Mapoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang Facebook post ng House of Representatives of the Philippines, sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na kinakailangan pang maghintay ng ABS-CBN sa susunod na term ng Kongreso.

Read also

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Naka-focus daw kasi sila sa mga prayoridad ng administrasyong Duterte tulad ng Bayanihan 3 at ang muling pagpapaunlad ng ekonomiya na lubhang naapektuhan ng pandemya.

"On top of these priority legislation, we would like to see the passage of Bayanihan 3, as well as other economic bills geared toward rebuilding the Philippine economy shattered by the devastating impact of the global pandemic and rebuilding the lives of every Filipino disrupted by the health crisis."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas. At kauna-unahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas. Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Read also

Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino

Sa isa pang report ng KAMI, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinagpapaliban muna ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng child car seat law sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone