Lea Salonga nagbigay payo sa mga singer na huwag piliting mag-‘belt’
- May paalala si Lea Salonga sa mga singer na huwag pipilitin ang sarili kung hindi kayang mag-belt
- Ayon sa sikat na mang-aawit, hindi lahat ay meant na mag-belt kaya hindi ito dapat ipilit
- Ang ‘belting’ ay ang pagbirit o pag-abot ng mataas na nota gamit ang wastong paghugot ng chest at head voice ng sabay
- May isang netizen ang nagpasalamat sa payo at ipapakita raw ito sa kanyang ama
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbigay ng payo si Lea Salonga sa mga mang-aawit at sa mga naghahangad na maging professional singers tungkol sa pagpipilit sa sarili na makapag-belt.
Nitong Valentine’s Day ay nag-iwan si Coach Lea ng isang mahalagang payo para sa kapareho niyang mga mang-aawit.
Kanyang ni-retweet ang nakaraang post niya sa kanyang Twitter account na nagsasabing:
“Saw this, and felt the need to add something more to it. Not everyone is meant to belt. Please don’t force your voice to do what it wasn’t created to do.”
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Para sa impormasyon ng nakararami, ang terminong “belt” ay tumutukoy sa pagsigaw, pagbirit, o pag-abot ng mataas na nota gamit ang wastong paghugot ng chest at head voice ng sabay.
Ang orihinal niyang tweet ay nagsasabing:
“Dear singers, please sing in your own voice’s sweet spot. It might take some time to figure that out, but here’s a hint: it’s where sonic heaven and the limits of physical comfort meet, enabling you to create art.”
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ilan sa mga netizens ay namulat ang mga mata sa payong ito ni Lea.
Mayroong isang netizen na nagkomento sa tweet niya at sinabing pinipilit daw siyang mag-belt ng kanyang ama pero iginiit niyang maraming magagaling na mang-aawit na hindi naman nagbi-belt. Kaya nagpapasalamat siya na nabasa niya ito upang maintindihan ng kanyang ama at ng ibang tao na hindi sa lahat ng panahon kailangang sumigaw ang isang mang-aawit.
Agad namang sumagot si Lea sa komento ng netizen.
“SHOW THIS TO YOUR FATHER NOW!” tugon niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Lea Salonga ay isa sa mga “The Voice” coaches ng ABS-CBN. Isa siya sa mga ipinagmamalaking singer ng Pilipinas, lalo na at dati siyang sumikat bilang “Miss Saigon”. Isa siya sa mga itinampok na tagatanghal kamakailan lang ng “BBC’s Musicals: The Greatest Show”.
Sa isang dating report ng KAMI ay napag-alaman na fan pala ni Lea ang Korean rapper na si Tablo. Naitampok naman sa isa pang ulat ang reaksyon ng singer sa pinaka-unang simultaneous airing ng “ASAP Natin ‘To” sa TV5.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh