Aljur Abrenica, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na gamit

Aljur Abrenica, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na gamit

- Maging si Aljur Abrenica ay nagtinda na rin ng kanyang mga pre-loved na gamit sa pamamagitan ng online selling

- Bukod sa kanyang mga damit, nagbenta sin siya ng mga sapatos na aniya ay hindi na niya nagagamit

- Dalawang beses na naganap ang online selling sa kanyang sariling Facebook page kung saan nagpapakita din siya

- Personal niyang sinusuot ang ilan sa mga damit para ipakita kung ano ang itsura ng mga ito pag naisuot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bentang-benta ang mga pre-loved na mga gamit ni Aljur Abrenica na kanyang ibinenta sa pamamagitan ng online selling.

Sa kanyang sariling Facebook page ay nakikisali din siya sa online selling sa pamamagitan ng pagsuot ng ilan sa kanyang mga damit upang ipakita sa mga buyers kung ano ang itsura ng mga damit kapag naisuot na.

Read also

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

Aljur Abrenica, nagbenta ng kanyang mga pre-loved na gamit
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

Dalawang araw na magkasunod na ang online selling na ginanap sa kanyang sariling Facebook page. Aniya, marami pa umanong susunod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga artista ang nakaranas na rin ng hirap lalo at mailap para sa kanila ang trabaho. Ilan sa mga artistang pinasok ang live selling ay sina Ethel Booba, Lovely Abella, Krystal Reyes at maging si Aleck Bovick.

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel