Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

- Humanga si Ogie Diaz kay Madam Inutz sa mga pinagdaanan nito sa buhay at sa labis na pagmamahal nito sa kanyang pamilya

- Sino nga raw ba ang mag-aakala na ang palamura sa kanyang live selling ay sobra-sobra pala kung magmahal sa kanyang pamilya

- Lalong-lalo na raw sa ina nito na may karamdaman gayundin sa mga anak na handa niya talagang ipaglaban

- Pinayuhan din ni Ogie si Madam Inutz na huwag daw sanang lalaki ang ulo sa kasikatang tinatamasa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming aral ang mapupulot sa kwento ng buhay ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' na kamakailan ay nag-viral dahil sa kanyang makulit na live selling.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga unang kumapanayam sa kanya ay si Ogie Diaz na siyang itinuturo ng publiko na sana'y mag-manage sa career ng potensyal na komedyante na si Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

Nagulat ang publiko sa isiniwalat na kwento ng buhay ng online seller na sanay na pala talaga sa pagbabanat ng buto noon pa man.

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"
Ogie Diaz kasama si Madam Inutz (Photo from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Kwento niya, siyam silang magkakapatid at matiyaga silang naitaguyod ng kanilang mga magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang magpandemya, naisipan niyang itinda na lamang ang mga damit niyang magaganda pa ngunit hindi na niya naisusuot.

Mula sa napagbentahan niya doon siya namuhunan ng kanyang negosyong ukay-ukay

Naikwento rin niya ang pagpapagamot niya sa ina na bagaman at naubos ang lahat ng kanyang alahas at naipong pera, masaya siyang kapiling pa rin niya ito hanggang ngayon.

Marami rin siyang naibahagi tungkol sa kanyang mga anak, naging nobyo at asawa at maging ang pagtulong sa mga kapatid sa abot ng kanyang makakaya.

Dahil dito, namangha si Ogie kay Madam Inutz. "Nakakatuwa ka dahil puro pagmumura ang pagkakakilala sa'yo ng mga tao, Pero ngayon nakilala ka nila na puro pagmamahal sa pamilya."

Read also

Madam Inutz, piniling manirahan kasama ang magulang kaysa sa condo na offer ng dating BF

Pinayuhan din niya si Madam Inutz na huwag sana umanong lumaki ang ulo nito sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Ogie Diaz YouTube channel:

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Madam Inutz, sinabi nitong kailanma'y hindi lalaki ang kanyang ulo dahil sa tinatamasang tagumpay.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel