Madam Inutz, piniling manirahan kasama ang magulang kaysa sa condo na offer ng dating BF

Madam Inutz, piniling manirahan kasama ang magulang kaysa sa condo na offer ng dating BF

- Ikinuwento ni Madam Inutz ang tungkol sa naging kasintahan na dating sumusuporta sa kanya

- Hindi raw siya nito pinagtrabaho kahit gustong-gusto niya talagang magbanat ng buto na talagang kinagisnan na niya

- Inalok pa raw siya nito na tumira sa condominium ngunit tumanggi ito at mas piniling makasama ang kanyang pamilya lalo na ang mga magulang

- Sanay umano siyang ibahagi ang kung ano ang mayroon siya sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam ni Ogie Diaz sa sikat na ngayong online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng Daisy_licious Ukay, naikwento nito ang tungkol sa kanyang love life.

Nalaman ng KAMI na ang dati niyang naging kasintahan na ama ng bunso niyang anak na babae ay hindi siya pinagtrabaho.

Sinabihan daw siya nitong alagaan na lamang ang kanyang anak at mga mahal sa buhay at binibigyan siya nito ng sustento.

Read also

Ogie Diaz, humanga sa kwento ng buhay ni Madam Inutz; "Nakakatuwa ka!"

Madam Inutz, piniling manirahan kasama ang magulang kaysa sa condo na offer ng dating BF
Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sinunod naman daw ito ni Madam Inutz kahit gustong-gusto pa rin niyang magtrabaho at sanay talaga siya sa pagbabanat ng buto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inalok pa umano siya ng kanyang ex-boyfriend na ito na itira siya sa condominium upang mas maginhawa ang lugar nito.

Subalit tumanggi si Madam Inutz gayung malalayo siya sa kanyang mga magulang lalo na sa ina na mayroong karamdaman.

"Aanhin ko ang condo e ang layo ng magulang ko," paliwanag ni Madam Inutz na ngayo'y nakikilala na rin sa sobrang pagmamahal sa pamilya lalo na sa mga anak at mga magulang.

"Ang gusto ko kasiyahan hindi karangyaan," dagdag pa niya.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Madam Inutz sa Ogie Diaz YouTube channel

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Read also

Madam Inutz, nagsisikap para di makuha ang bunso ng ama nito; "Ipaglalaban ko"

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Madam Inutz, sinabi nitong kailanma'y hindi lalaki ang kanyang ulo dahil sa tinatamasang tagumpay.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel