Aiko Melendez, muling naging usap-usapan sa kanyang pasabog na hairstyle

Aiko Melendez, muling naging usap-usapan sa kanyang pasabog na hairstyle

- Muling naging usap-usapan si Aiko Melendez sa kanyang bagong hairstyle na ayon sa ilang netizens ay nakadagdag sa kanyang kagandahan

- Marami rin ang nakapuna na lalong bumata siya tingnan sa kanyang bagong mas maiksing buhok

- Maging ang kanyang mga kasamahan sa showbiz ay naghayag ng kanilang pagkalugod sa new look ng aktres

- Matatandaang lumikha din ng positibong reaksiyon ang picture ni Aiko kamakailan na ayon sa karamihan ay mukha lang siyang dalaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling ibinahagi ni Aiko Melendez ang kanyang pasabog na hairstyle na muling umani ng mga reaksiyon.

Marami sa kanyang mga kasamahan sa showbiz kagaya nina Karla Estrada, Dianne Medina, Marian Rivera, Iza Calzado, Nadine Samonte at marami pang iba ang naghayag ng kanilang pagkalugod sa nagong hairstyle ni Aiko at halos lahat sila ay sumang-ayon na bagay sa kanya ang kanyang buhok

Read also

Sen. Kiko Pangilinan, napa-"susmaryosep" nang pinanood ang trailer ng pelikula ng misis

Aiko Melendez, muling naging usap-usapan sa kanyang pasabog na hairstyle
Aiko Melendez (aikomelendez)
Source: Instagram

Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens sa kanyang bagong hairstyle:

Gravehh parang teenager lang. Fresh na fresh! Love the hairdo. Mas nakakabata pag short hair.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naalala ko Palibhasa Lalake guesting mo.. ganito un hair mo. Kahit anong hairstyle po, bagay sa'yo. 40+ napo ba talaga kayo miss @aikomelendez para lang po kayo 16 years old. Nakakainis yung freshness nyo po. hehe
Sobra naman! Yan ang isa sa dahilan kaya idol kita noon pa, ginagaya ko na ang gupit mong yan noon pa! Love you idol!

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Read also

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz. Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel