Sen. Kiko Pangilinan, napa-"susmaryosep" nang pinanood ang trailer ng pelikula ng misis

Sen. Kiko Pangilinan, napa-"susmaryosep" nang pinanood ang trailer ng pelikula ng misis

- Isa sa naging palaisipan at katanungan ng marami nang lumabas ang trailer ng bagong pelikula ni Sharon Cuneta ay kung ano kaya ang masasabi ng asawa nito na si Sen. Kiko Pangilinan

- Maging ang kanyang mga tagahanga ay nagulat din sa karakter at mga linyang binitawan ng Megastar sa nasabing pelikula

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Sen. Kiko ang kanyang reaksiyon habang nanonood ng trailer ng pelikula ng kanyang misis na "Revirginized"

- Aniya, makikita talaga sa pelikula ang husay ni Sharon sa pag-arte dahil ibang-iba ito sa nakasanayan sa kanya sa kanyang mga nagawang pelikula

Kinaaliwan ng marami ang reaction video ni Senator Kiko Pangilinan kung saan pinanuod niya ang trailer ng pelikula ng kanyang misis na si Sharon Cuneta. Maganda ang naging pagtanggap ng mga tagahanga ni Sharon sa nasabing pelikula sa kabila ng kaibahan nito sa nakasanayan na sa kanya.

Read also

Vlogger na sina Mariano G at Cindy, dedma sa bashers; kumuha pa ng sarili nilang tirahan

Sen. Kiko Pangilinan, napa-"susmaryosep" nang pinanood ang trailer ng pelikula ng misis
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Bukod sa mga bulgar na salita, naitambal din ang Megastar sa isang aktor na mas bata sa kanya sa pelikulang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napa-"susmaryosep" naman si Senator Kiko nang makita ang eksena ng party sa beach. Dito na niya naikwento na naranasan na rin niya noong college na mag-beach party.

Unang beses umano na napainom siya nang sobra at hindi na iyon naulit dahil sa kanyang dinanas na matinding hangover.

Panuorin ang kanyang nakakaaliw na reaksiyon dito:

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Read also

Kapatid ni Devon Seron, nag-post tungkol sa ahas na aniya'y "everywhere"

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel