Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz, kumpirmadong kasali sa MUP 2021

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz, kumpirmadong kasali sa MUP 2021

- Pormal nang inilabas ng Miss Universe Philippines ang mga kandidatang kasali sa MUP 2021

- Kabilang ang aktres na si Kisses Delavin sa mga kandidatang inilabas ng MUP sa kanilang official social media pages

- Bukod kay Kisses, pasok din ang "Asia's Next Top Model" first Filipina winner na si Maureen Wroblewitz

- Matatandaang kahit noong nakaraang linggo pa ay naging matunog ang pangalan ni Kisses matapos ianunsiyo ng MUP ang deadline ng pasahan ng application

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas ng Miss Universe Philippines ang mga kandidatang opisyal na kasali sa Miss Universe 2021 pageant sa pamamagitan ng kanilang mga social media pages.

Kabilang ang aktres na si Kisses Delavin sa mga kandidata para sa prestihiyosong pageant. Makakalaban niya rin ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa "Asia's Next Top Model" na si Maureen Wroblewitz.

Read also

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz, kumpirmadong kasali sa MUP 2021
Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz (@kissesdelavin and @mauwrob)
Source: Instagram

Matatandaang inanunsiyo ng Miss Universe Philippines noong nakaraang linggo ang pagsasara ng pasahan ng application para sa mga kandidatang nagnanais na makasali.

Kasunod nito ay ang pag-trending ng pangalan ni Kisses sa Twitter dahil na rin sa kanyang mga tagahanga na excited na sumali siya.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na pahayag ang aktres kaugnay sa kanyang pagsali ngunit bago pa man siya pumasok sa showbiz ay ilang beauty pageant na rin ang kanyang nasalihan at napanalunan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kisses Delavin ay isang Filipino actress, recording artist, beauty queen ay product endorser. Nakilala siya bilang isa sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky 7 edition kung saan tinanghal siya bilang Second Big Placer.

Matapos nga siyang lumipat sa GMA-7, napabalita noon na magiging bahagi ng isang teleserye si Kisses. Taong 2020 nang mapabilang siya sa isa sa pinakamagagandang babae sa Pilipinas.

Read also

Aiko Melendez, ginawang profile picture ang talampakan niya dahil sa isang game

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel