Mag-amang pinagtatawanan dahil nagsasaka ng walang kalabaw, tutulungan ni Tulfo
- Naantig ang puso ni Raffy Tulfo sa mag-amang nagsasaka nang walang gamit na kalabaw
- Noon lamang daw kasi siya nakakita ng tao ang naghihila na dapat sana ay kalabaw
- Dahil dito, hindi lamang pambili ng kalabaw ang ibibigay ni Tulfo kundi mga kagamitan din sa bahay ay ipaayos na rin ni Tulfo ang tahanan ng magsasaka
- Pinalakas pa niya ang loob ng magsasaka na hindi na raw pagtatawanan ng iba at ngayo'y hahangaan na ito sa mga biyayang kanyang mamatanggap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang magsasaka ng Brgy. Danus sa Leyte na si Ismael Malabat.
Nalaman ng KAMI na humiling lamang ito ng kalabaw gayung wala silang ginagamit na kalabaw sa pag-aararo.
Madalas pa umano silang pagtawanan ng kanyang anak dahil ang hinihili dapat ng kalabaw ay tao ang gumagawa at siya nga ito.
Dahil dito labis na naantig ang puso ni Tulfo sa kalagayan ni Tatay Ismael. Noon lamang daw siya nakakita ng gawain sana ng kalabaw sa sakahan na tao ang gumagawa.
Kaya naman bukod sa Php38,000 na pambili ng kalabaw ni Tatay Ismael, ginawa na niya itong Php100,000 kasama na ang iba nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Naisipan din ni Tulfo na papuntahin ang isa nilang staff sa lugar mismo ng magsasaka upang makita ang kalagayan nito.
Nang makita niya ito pansamantala sa video call, nakita nila ang butas-butas na bubong at kakulangan sa kagamitan sa bahay.
Kaya naman magbibigay na rin ng mga gamit sa bahay si Tulfo at ipaaayos pa nito ang tahanan ni Tatay Ismael.
Narito ang kabuaan ng nakakaantig ng pusong pagtulong sa magsasaka ng kanyang 'Idol Raffy':
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh