Mang Inasal, naglabas na ng pahayag ukol sa reklamo laban sa kanilang manager
- Naglabas na ng pahayag ang PR manager ng Mang Inasal kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan umano ng kanilang manager
- Sa pahayag, sinabing pinaiimbestigahan na ng store owner ang nasabing insidente
- Kaisa umano sila sa pagkamit ng hustisya at paglalabas ng katotohanan kaugnay sa nangyari
- Muli pinakiusap ni Raffy Tulfo na sa tuwing nagpapalabas sana ng mga pahayag ang kinauukulan, sana'y ibinabahagi rin ito sa wikang Filipino o Tagalog
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag labas na ng pahayag ang press relations manager ng Mang Inasal kaugnay sa isyu na kinasasangkutan ng isa sa kanilang mga manger sa Hidalgo, Plaza Miranda branch.
Nalaman ng KAMI na agad na tumugon ang Mang Inasal sa kontrobersiya kung saan nabisto ang kalokohan ng isa nilang manager na naglalagay di umano ng cellphone camera sa dapat na stock room upang makapangboso.
Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang isa umanong biktima na si Mark Bernal na isang security guard doon.
Laking gulat niya nang makita ang cellphone na naglalaman din ng mabibigat na ebidensya laban sa manager na pinangalanang si Alvin Joshua Francisco.
Dahil sa nangyari, desidido si Mark na magsampa ng reklamo laban kay Alvin at tutulungan naman umano siya ni Tulfo. Labis kasing natatakot si Mark para sa kanyang seguridad lalo na sa kanyang isiniwalat tungkol sa manager.
Pagbibigay linaw naman ni Tulfo, ang tanging mananagot lamang ay ang manager na siyang gumawa umano ng kalokohan. Maaring tulungan pa nga raw si Mark ng Mang Inasal dahil sa nalaman nitong 'di magandang gawain ng manager.
Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ng PR manager ng Mang Inasal na ipinadala sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Tulfo:
"Good Evening, this is Ed Timbungco, PR manager of Mang Inasal regarding the matter that you were asking about, the store owner is currently investigating the matter. We share in the desire to have this concern address as soon as possible."
Muli namang pinakiusap ni Tulfo na sana'y ibahagi rin sa wikang Filipino o tagalog ang nasabing pahayag lalo na at masa umano ang karamihan ng cutomer ng nasabing food chain.
Mapapanood ang kabuuan ng follow-up report kaugnay sa reklamong ito laban sa manager ng Mang Inasal sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo, July 20, 2021 sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh