Manager ng Mang Inasal, ipina-Tulfo ng kanilang security guard
- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang security guard ng Mang Inasal Plaza Miranda
- Ito ay kaugnay sa ginawa ng kanilang manager na kanya umanong nabisto
- Masasabing mabigat na ebidensya ang hawak ng security guard kung saan makikita ang ilan pang mga kalokohan ng manager
- Sinubukang hingin ng 'Idol in Action' ang panig ng manager ngunit hindi pa nila ito makontak gayung hindi na rin ito pumapasok sa nasabing branch
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lumapit na kay Raffy Tulfo ang security guard na si Mark Evan Bernal dahil sa umano'y kalokohan ng kanilang manager na si Alvin Joshua Francisco.
Nalaman ng KAMI na biktima umano si Bernal ng umano'y pamboboso ng manager.
Kwento ni Mark sa 'Idol in Action,' hindi raw sa kanila pinagagamit ang comfort room ng store at sinasabi ng manager na gamitin ang tila isang stock room nito.
Doon nabisto ni Mark ang sinasabing cellphone na pagmamay-ari di umano ng manager.
Sa takot na mabaliktad lalo na at hawak na niya ang cellphone na naglalaman ng napakaraming ebidensya ng kalokohan ni Alvin, agad na nagsumbong na si Mark kay Tulfo.
Desidido na rin ang security guard na kasuhan ang nasabing manager upang mabigyan ito ng leksyon kahit labis na natatakot sa kanyang seguridad ang nagreklamo. Bago pa lamang umano kasi siya sa kanyang trabaho.
Nangako naman si Tulfo na tutulong kay Mark at sinabi nitong huwag matakot lalo na at wala namang kinalaman ang 'Mang Inasal' sa nagawa ng kanilang manager.
Mapapanood ang kabuuang pahayag ni Mark sa Idol in Action, July 20,2021 sa YouTube channel ng One PH.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh