Kampo ng nagsauli ng CP sa isang TikTok star, nagpa-Tulfo; sasailalim sa lie detector test
- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang mga nagsauli ng cellphone ng TikTok star na si Hazel Grace Edep
- Kasalukuyang nakakulong ang nagbalik ng cellphone dahil sa umano'y pangingikil kay Hazel at sa di umano'y pagbabanta
- Nakausap na rin ni Tulfo ang TikTok Star na naglabas din ng kanyang panig
- Upang malaman ni Tulfo ang aksyon na gagawin, iminungkahi niyang sumailalim sa lie detector test ang magkabilang panig at pumayag naman ang mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mga nagsauli ng cellphone ng TikTok Star na si Hazel Grace Edep o kilala rin bilang si "Queenluvs."
Nalaman ng KAMI na kasalukuyang hawak ng awtoridad si Angelito Martin dahil sa umano'y pangingikil nito ng Php50,000 kay Hazel sa pagsasauli ng cellphone nito.
Sa panayam ni Tulfo kay Hazel, ikinuwento nitong nawala ang cellphone niya sa Divisoria. Nai-text pa umano niya ang kanyang numero at sinabing sana'y nasa mabuting kamay ito ng nakapulot.
Nakatanggap umano siya ng text sa sinasabi niyang kasamahan ng nakapulot at humihingi umano ito ng pabuya.
Paliwanag pa raw ng kasama nito, na-mild stroke ang nakapulot at iyon nga ay si Martin na nangangailangan daw umano ng tulong.
Bukod pa rito, sinabi ni Hazel na nagawa pa umano siyang pagbantaan ng mga kasama ni Martin gayung isa pa naman siyang babae.
Giit pa ng TikTok Star, mismong ang mga pulis ang nakarinig ng panghihingi ng pera ng kampo ni Martin.
Nang makausap naman ni Tulfo ang tinutukoy ng mga kasama ni Martin na sina Jumar Estudillo at Annabelle Aguilar, mariin naman nilang pinabulaanan ang mga paratang sa kanila ng TikTok Star.
Dahil dito, nagdesisyon si Tulfo na ipa-lie detector test ang magkabilang panig upang malaman kung sino ang nararapat niyang tulungan.
Pumayag naman ang dalawang kampo maging ang misis ng nakapulot na siyang humingi ng tulong upang makalabas na ang mister sa piitan.
Narito ang kabuuan ng video mula sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Hulyo 19:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh