Viral food supplier, nabahala sa umano'y banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview

Viral food supplier, nabahala sa umano'y banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview

-Sa update na ibinigay ng food supplier na si Marjorie Abastas, sinabi nitong nabahala siya sa nasabing pagbabanta ng customer na si Maria Hofs

- Sa isa umanong interview ng "Brigada" sa Cebu, nabanggit daw ni Maria ang pagbabanta kay Marjorie

- Dahil dito, maaaring maisama rin ito sa mga ebidensyang ihahain sakaling magkasampahan ng kaso ang magkabilang panig

- Patuloy ang pagtutok ni Raffy Tulfo sa insidenteng nag-viral matapos na makunan ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng update ang food supplier na si Marjorie Abastas sa 'Wanted sa Radyo' nang kumustahin siya ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na bukod sa nagkaharap na sa barangay sina Marjorie at inirereklamo niyang customer na si Maria May Hofs, sinabi nitong nabahala siya sa panibagong pagbabanta na kanya umanong nalaman.

Ayon kay Marjorie, nasabi ni Maria May ang naturang pagbabanta sa isa umanong interview nito ng Brigada sa Cebu.

Read also

Viral food supplier at customer, nagkaharap na sa barangay

Viral food supplier, nabahala sa banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

"Sinabi raw po niya na kung nandito lang ang mga kamag-anak ko, hindi ka makakalabas ng bahay... Nandun po sa live ng Brigada po" pahayag ni Marjorie na sinabi raw umano ni Maria May sa interview.

Agad na rin na naipadala ni Marjorie ang naturang video clip sa staff ni Tulfo bilang ebidensya.

Dagdag pa ni Marjorie, ang tinutukoy umano na mga kamag-anak ni Maria May ay pawang mga nasa Mindanao.

Ayon kay Atty. Sam Ferrer ng ACT-CIS, maituturing pa rin itong pagbabanta at pasok pa rin umano ito sa kasong grave threat.

"Threat po 'yun sir, pwedeng grave threat pa rin 'yun mas lalong lalakas 'yung kaso sa grave threat sir. Kasi 'yung ganoong klase ng pananakot at pagbabanta again amounting to a crime," paglilinaw ng abogado.

Samantala, nagkaharap na umano sina Marjorie at Maria May sa barangay at sinabi raw ng customer na babayaran pa rin sana ang food supplier ngunit itutuloy pa rin umano nito ang kaso laban sa kanya.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Narito ang kabuuan ng panayam kay Marjorie sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Hulyo 30:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matatandaang nakarating sa programa ni Tulfo ang nag-viral na video kung saan makikita ang umano'y pagmamatigas ni Maria Hofs na hindi raw umano babayaran si Marjorie Abastas sa food package na order niya rito.

Dahil dito, tinutukan na ni Tulfo ang nasabing sitwasyon lalo na at balak pa umanong kasuhan ng customer ang food supplier.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica