Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto
- Ibinahagi ng ina ni Marjorie Abastas na si Judisa Alison ang kanyang hirap para sa mga pagkaing inoorder sa kanila
- Naibahagi niya na alas tres pa lamang ng madaling araw ay nagluluto na siya para matapos sa takdang oras ang mga dapat nilang i-serve na pagkain
- Aniya, simula nang magkaroon ng pandemic ay marami na rin ang kanilang naging customer
- Gayunpaman, ngayon lang daw sila nakaranas ng ganoon mula sa isang customer
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi maitago ng ina ni Marjorie Abastas na si Judisa Alison ang kanyang pagkaawa sa kanyang anak. Sa panayam ng GMA news reporter na si Alan Domingo, ibinahagi ng ina ni Marjorie kung gaano niya pinaghihirapan at pinaglalaanan ng oras ang pagluluto ng mga pagkaing ino-order sa kanyang anak.
Alas-tres pa lamang ng madaling-araw ay nagsisimula na si Aling Judisa lalo na noong araw ng Linggo kung kailan naganap ang viral na paniningil ni Marjorie.
Aniya, mag-isa lamang siya noon na nagluto. Kaya naman hindi rin maialis sa kanya na masaktan siya matapos marinig ang mga naging pahayag ng customer nang singilin ito ni Marjorie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh