Ina ni Marjorie Abastas, nasaktan nang sobra nang makita ang dinanas ng anak

Ina ni Marjorie Abastas, nasaktan nang sobra nang makita ang dinanas ng anak

- Aminado ang ina ng nag-viral na food supplier na sobra siyang nasaktan sa sinapit ng anak niya

- Pinakamasakit at hindi niya umano makalimutan ang tagpong pagsalitaan ang kanyang anak at kinuwestiyon kung talaga bang 18,000 ba ang halaga ng mga pagkaing inihain nila

- Matatandaang naging usap-usapan ang anak niyang si Marjorie matapos niyang kuhanan ng video ang isang customer na aniya ay ayaw magbayad ng kanyang balanse

- Gayunpaman, hindi nagpatinag ang nirereklamo niyang customer at nagsampa din ng kanyang reklamo laban kay Marjorie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masakit para sa ina ni Marjorie Abastas na makita kung gaano umano siya pagsalitaan ng kanyang customer sa viral video na talaga namang lumikha ng ingay sa social media.

Nakapanayam ng GMA news reporter na si Alan Domingo ang ina ni Marjorie. Naitanong niya kung ano para sa kanya ang pinakamasakit at pinaka hindi niya makakalimutang ginawa sa kanyang anak.

Read also

Madam na 'di nagbayad umano sa food supplier, maaring madadagdagan pa ang kaso

Ina ni Marjorie Abastas, nasaktan nang sobra nang makita ang dinanas ng anak
Food Supplier (Photo: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Aniya, iyon ay nang pagsalitaan ang kanyang anak sa harap ng maraming tao at kinuwestiyon kung tama ba sa halagang 18,000 ang kanilang mga pagkain.

Sinabihan pa umano ng customer ang anak niya na ihampas ang eskabetche sa mukha nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Read also

Ina ni Marjorie Abastas, sinabing alas 3 ng madaling araw nag-umpisang magluto

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel