Madam na 'di nagbayad umano sa food supplier, maaring madadagdagan pa ang kaso
- Maari pa umanong madagdagan ang kaso sa customer na hindi nagbayad ng buo sa kanyang food supplier
- Ilang netizens na masusing nakapanood ng viral video, mayroon pang pagbabanta na ginawa ang customer
- Bukod pa rito, napansin din ng karamihan ang dami ng bilang ng taong pakakainin umano ng madam sa kanyang inorder
- Matatandaang ipinagbabawal pa rin umano ng IATF ang malakihang pagtitipin lalo na kung ang lokasyon ay hindi rin kalakihan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa muling pagkumusta ni Raffy Tulfo sa food supplier na humingi ng tulong sa kanya na si Marjorie Abastas, sinabi nito ang karamihan sa mga napuna ng netizens.
Nalaman ng KAMI na mayroong mga nakapanood ng viral video nina Marjorie at customer nitong si Maria May Hofileña at napansin ang bahagi nito maaring maging dahilan sa pagkakaroon ng bagong kaso laban sa customer.
Paliwanag ni Tulfo ito ay sa pagkakataon kung saan nabanggit di umano ni Maria May ang pahayag na "i-ano ko ito sa mukha mo ngayon."
Nang isangguni ni Tulfo ang naturang insidente kay Atty. Sam Ferrer ng ACT-CIS, sinabi nitong pasok pa rin ito sa grave threat o pagbabanta na maaring magresulta sa di magandang pangyayari kay Marjorie.
Nabanggit din ng food supplier na labis niyang ikinabahala ang nabanggit umano ni Maria May sa isang interview nito. Sinabi kasi ng customer na kung naroon lamang ang kanyang mga kamag-anak sa Cebu, hindi raw ito makalalabas ng kanilang bahay.
Bukod pa rito, tinitingnan din ng programa ng Tulfo na 'Wanted sa Radyo' kung may nilabag ba sina Maria May na safety protocol gayung napansin din ng mga netizens na "50-60 persons" ang bilang ng taong pakakainin nito ng food package ni Marjorie.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Matatandaang nakarating sa programa ni Tulfo ang nag-viral na video kung saan makikita ang umano'y pagmamatigas ni Maria May Hofileña na hindi raw umano babayaran si Marjorie Abastas sa food package na order niya rito.
Dahil dito, tinutukan na ni Tulfo ang nasabing sitwasyon lalo na at balak pa umanong kasuhan ng customer ang food supplier.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh