Chito Miranda at Neri Naig, kinaaliwan sa kanilang mga hirit sa programa ni Raffy Tulfo

Chito Miranda at Neri Naig, kinaaliwan sa kanilang mga hirit sa programa ni Raffy Tulfo

- Matapos maging laman ng showbiz news kamakailan, nilinaw ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ang isyu

- Naging kontrobersiyal ang cryptic posts ng dalawa sa social media na nagbunga ng espikulasyon na nagkaka-problema ang mag-asawa

- Kaya naman, sa programa ni Raffy Tulfo na "Raffy Tulfo in Action" ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang panig

- Para pala iyon sa kanilang endorsement ng isang brand ng fabric conditioner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging palaisipan sa mgarami ang mga cryptic posts ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda kamakailan. Nagkaroon ng espikulayon na nagkakaproblema ang dalawa' Gayunpaman, matapos nilang lumabas sa programa ni Raffy Tulfo, marami ang naliwanagan.

Chito Miranda at Neri Naig, umabot na sa RTIA matapos ang kanilang cryptic posts
Chito Miranda at Neri Naig (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

May mga nagsabing maaring bahagi lamang ng lyrics ng bagong kanta ang kanilang ibinahaging mga mensahe na tila mga pasaring sa social media.

Para pala iyon sa kanilang endorsement ng isang fabric conditioner. Hindi ito ang unang pagkakataon na idinaan sa Raffy Tulfo in Action ang mga product endorsements. Kaya naman hindi na nagulat ang karamihan sa pakulong ito ng mag-asawa.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Panuorin ang kabuuan ng video nila dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Neri ay nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ikinasal siya sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man natuloy ang kanyang pag-aartista, naging matagumpay si Neri sa kanyang pagnenegosyo. Hindi niya ikinahiya ang kanyang pinagmulan bago pa siya sumikat.

Napalago niya ang kanyang negosyo at nakapagpundar ng mga ari-arian. Maging ang kanyang asawang si Chito ay hindi maitago ang pagiging proud nito sa mga naachieve ng kanyang maybahay na nakilala sa bansag na 'wais na misis' dahil sa pagiging madiskarte nito.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel