Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya
- Naging emosyonal si Maria Hofs nang magsalita ang kanyang ina na nadamay na rin sa kontrobersiya kaugnay sa food package na kanyang inorder
- Sa kanyang naging pahayag sa programa ni Raffy Tulfo, nauna na niyang nasabi ang tungkol sa pandadamay ng netizens sa kanyang ina na ginawaan ng memes
- Ayon pa sa kanya, kung hindi lang nagwala at nag-eskandalo si Marjorie na naging dahilan ng pagkasira ng party nila, babayaran niya naman daw kaagad ang kanyang balanse
- Pinaalalahanan naman ni Maria ang mga netizens na sana ay gamitin nila ang social media sa maayos na paraan dahil maari silang mapanagot sa kung anong kasiraan at pambu-bully na kanilang kinakalat sa social media
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa sa pinaka-naapektuhan sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Maria Hofs ay ang kanyang mga kamag-anak at mahal sa buhay na idinawit ng ilang netizens sa mga ginawang memes.
Ang kanyang ina na naroroon din sa birthday celebration ay hindi nakaligtas sa mga ginawang memes ng ilang netizens.
Sa isang bahagi ng panayam ng GMA news reporter na si Allan Domingo, hindi napigilang maging emosyonal ng ina ni Maria sa ginawa sa kanya.
Maging si Maria ay hindi napigilang maiyak nang magsalita na ang kanyang ina.
(Nasa 35:41 na bahagi ng video na ito ang bahaging nagsalita ang ina ni Maria Hofs)
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.
Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh