Maria Hofs, sinabing magbabayad naman sana siya kung hindi lang siya ineskandalo ni Marjorie

Maria Hofs, sinabing magbabayad naman sana siya kung hindi lang siya ineskandalo ni Marjorie

- Nilinaw ni Maria Hofs na alam niyang obligasyon niyang magbayad sa produktong kanyang inorder

- Gayunpaman, aniya bilang isang customer ay may karapatan din siyang usisain kung tama ang produktong kanyang natanggap

- Aniya, kung hindi lamang sana nag-eskandalo si Marjorie at hinintay na matapos ang party, magbabayad naman siya

- Dagdag pa niya, kung nalaman lang sana niya na hindi maganda ang kalalabasan ng pagdiriwang, sana ay hindi na lang sila nagdaos ng party

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinabi ni Maria Hofs na alam niyang obligasyon niya at magbabayad naman siya sana kay Marjorie kung hindi lang siya nito pinahiya at iniskandalo sa party ng kanyang anak.

Sinabi niya ring alam niyang labag sa batas yun kapag hindi niya bayaran.

3rd article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Food Supplier (Photo: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ng GMA news reporter na si Allan Domingo, humingi siya ng dispensa sa lahat ng taong nadamay sa kontrobersiya kabilang na ang kanyang mga pamilya at kaibigan na naroroon sa party ng anak niya.

Read also

Ina ni Maria Hofs, hindi napigilang maging emosyonal sa pandadamay sa kanya

Dagdag pa niya, kung nalaman lang sana niya na hindi maganda ang kalalabasan ng pagdiriwang, sana ay hindi na lang sila nagdaos ng party.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate