Viral na caterer na 'di nabayaran, umaliwalas na ang mukha sa mga tulong ni Raffy Tulfo

Viral na caterer na 'di nabayaran, umaliwalas na ang mukha sa mga tulong ni Raffy Tulfo

- Kinumusta ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abastas matapos na unang maisa-ere ang reklamo nito sa kanyang customer

- Dumulog sa 'Wanted sa Radyo' si Marjorie matapos na mag-viral ang video kung saan makikita ang kanyang customer na wala na umanong balak bayaran ang balanse kay Marjorie

- Nang makapanayam naman ni Tulfo ang customer, nabanggit nito na maging sila ay kakasuhan si Marjorie dahil sa mga nai-post nito sa social media

- Dahil dito, pinaghandaan na rin ni Tulfo ang tulong na ibibigay niya kay Marjorie sakaling ituloy nga ng customer ang sinasabi nitong demanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaliwalas na ang mukha ng caterer na si Marjorie Abastas nang kumustahin ito ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na maayos na umanong nakatulog si Marjorie matapos ang ilang araw na pagkabalisa dahil sa naging alitan niya sa customer na hindi na umano nagbayad ng kulang nitong balanse sa 'lechon package' na kanya namang nai-deliver ng maayos.

Read also

Donya sa Cebu na nag-viral, nilinaw ang tungkol sa viral na chicken cordon bleu

Viral na caterer na 'di nabayaran, umaliwalas na ang mukha sa mga tulong ni Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nag-viral pa ang video ng eksena kung saan babawiin na lamang sana ni Marjorie ang mga pagkain dahil sa 'di pagbabayad ng sinasabi pang 'donya' niyang customer ngunit hindi ito pumayag gayung wala raw kakainin ang kanyang mga bisita.

Nang makapanayam naman ni Tulfo ang customer, babayaran naman daw niya si Marjorie ngunit ito ay sa oras na magkaharap na sila sa korte. Nabanggit nitong balak niyang kasuhan ang caterer ngunit pinayuhan siya ng kanyang abogado na huwag isa-ere kung ano ang isasampang kaso kay Marjorie.

Viral na caterer na 'di nabayaran, umaliwalas na ang mukha sa mga tulong ni Raffy Tulfo
Ilan sa mga pagkaing order ng customer ni Marjorie Abastas (Photo credit: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Pinaghandaan na rin ni Tulfo ang tulong na ibibigay niya kay Marjorie. Magpapahanap umano siya ng dekalibreng abogado sa Cebu na magtatanggol sa kanya sakaling ituloy nga ng customer ang pagsasampa nito ng kaso.

Pinayuhan na rin ni Tulfo si Marjorie na huwag nang mag-post sa kanyang social media ng anumang patungkol sa naging customer.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Read also

Raffy Tulfo, todo ang suporta sa caterer na balak pang kasuhan ng 'di nagbayad na customer

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Kilala rin siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.3 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica